"Sedgewick,Scarlet, they are Mr. Anton Zacarian Ferrer and Mrs. Dominita Ferrer and the man next to Mrs. Ferrer was their only child Dominic Zac Ferrer" pakilala ni daddy sa mga bisita.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon parang walang oras na hindi ko nakita si Zac nakatingin siya ngayon sakin ng may ngisi sa kanyang labi.
Anong nginingisi ngisi mo dyan.
"And here our children, Sedgewick Cashton Lopez and Scarlet Cassia Lopez" si mommy naman ang nagpakilala samin sa mga bisita.
Hindi ko magawang galawin ang aking pagkain dahil sa titig ng nasa harap ko.
Tusukin ko mata mo e.
"Your daughter was so beautiful she looks like you Cassiper" biglang sabi ng daddy ni Zac kay daddy.
Ngumiti ako at humarap sakanya.
"Thankyou sir" magalang na sagot ko.
"Oh hija don't call me sir, tito nalang." Nakangiting sabi niya.
Ngumiti din ako at tumango, nakita kopang nagtaas ng kilay si Zac sakin, tss.
Nagpatuloy sa kwentuhan sina mom and dad sa mga bisita. Kausap naman ni kuya si Zac.
Magkakilala sila?
"Excuse me Mr. and Mrs. Lopez can I talk to Scarlet for a moment? I have something to discuss to her because we have a special project to do, she is my classmate by the way." Pagkasabi niya non ay hinila na niya ako papunta sa hardin ng aming bahay.
Pagkadating namin don ay bumitaw kaagad ako sakanya.
"What the hell don't touch me! Hindi ko man lang hinintay yung sagot nina mommy! Ang bastos mo!" sigaw ko sakanya.
Ano bang gusto niya?!
"We already talked about that project! So what do you want?!" inis na sabi ko sakanya.
Hinila niya ulit ang aking kamay at pilit akong nagpupumiglas ngunit ang higpit higpit ng hawak niya.
Napunta kami sa labas ng bahay kung saan nakapark ang mga kotse.
"Get in the car." Bat naman ako papasok sa kotse niya?
Nanatili lang akong nakatayo, ano ako sunud sunuran? Bahala siya dyan!
"Pasok!" Tumaas ng konti ang kanyang boses pero hindi parin ako natitinag.
Nabigla ako ng buhatin niya ako at pinasok sa kanyang kotse.
What the hell!
Umikot siya at pumasok sa driver seat, mabilis niyang pinaandar at inikot ang kotse.
Sampung minuto na kaming nasa daan at hindi pamilyar sakin ang daan na tinatahak niya.
"Saan moko dadalhin Zac?" Inis ngunit mahinahon na tanong ko.
Hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan makikita ang mga gusali sa baba. Angganda!
"We have something to talk about." seryosong sabi niya.
E bakit dito pa? Pwede naman sa garden namin.
"Why here? Pwede naman samin tss."
reklamo ko."This place calms me down." seryoso parin na sabi niya.
Ganun ba kaseryoso yung pag uusapan namin kaya seryosong seryoso siya?
Nanahimik nalang ako at pinagmasdan ang mga kumikislap na bituin sa langit anggaganda nila, hindi ko alam na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mga ito.
YOU ARE READING
Accepting the stars (book 1)
RomanceMasakit magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang mahalin pabalik.Masakit umasa, hindi mo alam kung kailan ka hihinto, kung kailan ka ba dapat sumuko.Masakit ang magmahal, kaya bago mo subukan ito siguraduhin mong handa ka sa lahat. Isang babae an...