Chaper 1: Delayed Battle

11 0 0
                                    

Sheena's POV

Grabe naman, ngayon pa talaga nagka lock down? Buwiset kasi na Corona na yan e. Kung kailan naman makiki battle na, saka pa dumating... haysstt!

Hindi ko manlang ma meet yung mga ka banda ko, si Gino palang kasi ang nakita ko sa kanila. May itsura si Gino, but he's not my type... oo mahilig ako sa gitarista, pero kumikilatis din ako nang ugali e, mahirap nang masaktan... tsaka aanhin mo yung gwapo kung sa huli e sasaktan ka din lang diba?

'Nga pala, ano kayang magandang gawin habang lock down? Hmmm?'

Wala naman kasi akong gitara, karaoke lang sa cellphone ang libangan ko, minsan lang kasi ako makahawak nang gitara e. Sa totoo lang, hindi ako masyadong marunong mag gitara, mga basic chirds lang ang alam ko... pero nag co compose naman ako nang mga kanta if may nangyaring maganda sa buhay ko.

Ringing...

Si Gino tumatawag, bakit kaya?? Masagot nga.

"Hello?? Bakit?" bungad ko

"Jamming sana, free kaba??"

"Oo naman, always free... pwede nabang lumabas?"

"Oo yan, GCQ naman na e, pwede na siguro yan. Nakakaasar na Corona yan, edi sana natuloy yung battle natin. Tagal naman nating magkita HAHAHAHA!"

"Ang saya mona niyan?? Sunduin mo nalang ako dito sa bahay namin, pwede naba ang angkas? Kung hindi pa pwede, gamitin ko nalang motor ko basta sunduin mo ako dito kung gusto niyo nang jamming."

Sakto naman at wala si papa, hmmm? Tagal na din, HAHAHAHA! WALWALAN NA THIS!! SHEYT!

"Hindi pa naman pwedeng angkas, pero sige, punta na ako diyan. Pagbibigyan moba ako?"

Agad naman akong nasamid sa sinabi niya.

"Dafq! Seryoso ka?!" gulat na gulat na tanong ko sa kaniya

"Joke lang HAHAHAHA, malay mo lang maka score ako diba?"

"Gagii, never kang makaka score no, ano ka?? Sine swerte?" sarkastikang sagot ko sakaniya.

"Sus! Sige na, papunta na ako... ingat saakin."

"Sige ingat ka." END CALL

Gag* talaga si Gino. Na a-awkward tuloy akong maki jamming.

Nagbihis na ako, naligo na ako pero mag aayos parin ako, simpleng ayos lang, tamang polbo at lipstick lang. Mag le leggings nalang siguro ako at blouse? Pero pure black. HAHAHAHA! Parang namatayan amp!

So ayun na nga, nasa harapan na ako nang salamin, nag po polbo at nag li lipstick na ako.

Sakto na kaya to? Parang ma mamasyal naman ako? Hayyssst! Ok na yan, atleast naka damit pa ako.

Beep! Beep!

Putik! Kalakas nang busina, akala mo naman kung truck na bumusina putik!

Lumabas na ako, kinuha na ang susi nang motor at bahay, dumiretso na ako sa garahe namin at sinakyan na ang motor ko.

Pinaandar kona ang motor pero hinarang ako ni Gino.

"Bakit?" agad na sambit ko

"Gagii kaba? Lalabas ka nang walang face mask at helmet?" agad naman akong napatingin sa side mirror ko, oo pala. HAHAHAHA!

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon