CHAPTER 3 SPRAINED

394 17 0
                                    


"Nikko?"

"Ano?"

"Hindi ka ba nahihirapan diyan? Gusto mo ng tulong?"

Sandali siyang tumigil sa pag-mamop tsaka siya humarap sakin. "Mainit ang ulo ko, kaya wag kang mangulit kung ayaw mong ihampas ko 'to sa'yo."

"Hesh! Ang harsh mo naman, tinatanong lang e!"

Inismiran niya ako tsaka siya muling nag-mop. Ang suplado, as if walang ginawang masama sakin para masira ang 15 percent chance ko kay Tyron. Bwesit! Bakit ko ba kasi siya kinakausap?

Dinampot ko ang basahan tsaka ako muling nagpunas ng mga mesa. Hindi naman gaanong mahirap linisin ang mga mesa dito kaya chill lang ako dito, habang si Nikko ay heto at naghihikaus kaka-mop sa maduming sahig. Para tuloy siyang instant janitor dito na ginawaran ng gwapong mukha. Wahahaha!

Oo na, gwapo naman talaga si Nikko. Mas gwapo siya kaysa kay Tyron pero nakakatakot ang aura ng mukha niya dahil mukha siyang papatay ng tao. Letse siya! Kung ayusin niya kaya ang facial expressions niya para naman hindi siya katakotan ng mga co-students namin, palagi na lang kasi siyang nakabusangot as if pasan niya ang mundo.

Yamot na yamot ako habang nagpupunas ng mga mesa dahil wala akong makausap na matino. Hindi pa naman sanay itong bibig kong hindi magsalita.

Lumipas ang kalahating oras at sa wakas ay natapos na namin ang paglilinis. Humarap ako sa kaniya habang hawak ang masakit kong likod.

"Aray naman, ang sakit-sakit ng likod ko."

"Malamang nag trabaho ka e."

"Hindi ko naman sinasabing hindi ko alam na hindi sasakit ang likod ko kapag nagtrabaho ako, alam mo yun? Nagrereklamo lang ako." Tinarayan ko siya, e sa nakakainis siya.

Nanatili lang siyang nakatingin sakin kaya medyo kumunot ang noo ko't muling nagsalita. "Oh tapos ngayon tititigan mo ako na para kang nasisiraan? Problema mo m'en?"

" 'Yang mukha mo."

"A-ano?"

"Problema ko 'yang mukha mo, para kang siopao." Effortless niyang nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya at bored akong tiningnan. "Alis na'ko." Sabi niya pa bago siya maglakad palabas sa pinto ng cafeteria.

Naiwan naman akong nakatunganga sa likod niya habang sapo ang isa kong pisngi.

Of all those years na nabuhuhay ako, kailanman ay walang sino man ang tumawag na siopao ang mukha ko... tapos siya? Aba! Sumosobra na siya!

Inis kong dinampot ang bag ko at mabilis na sumunod sa kaniya. "Hoy lalake! Sinasabi mo bang mataba ang mukha ko? Ha?"

Humarap siya sakin. "Sabi ko mukha kang siopao."

"Pareho lang 'yun! Arrgh! Bwesit ka! Oo mahirap lang akong tao pero hindi naman tamang insultohin mo'ko ng ganun!"

"Nasisiraan ka na ba?" Tiningnan niya ako na para bang isa akong baliw na sigaw ng sigaw sa di malamang dahilan.

"Bwesit ka!" Dahil sa inis ay malakas ko siyang tinulak tsaka ako tumakbo palabas sa school. Hingal na hingal akong napahawak sa mga tuhod ko nang marating ko ang waiting shed.

Bumuhos ang malakas na ulan kaya dali-dali akong sumilong sa ilalim ng waiting shed.

"Ang malas naman..." sabi ko pa sa sarili ko sabay buntong hininga.

"Tingin ka kasi ng tingin sa mukha ko, minamalas ka tuloy."

Gulat kong liningon si Nikko na nasa tabi ko na pala. "Waaah! Anong ginagawa mo dito?"

In The arms of a Chaotic Gangster (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon