EPILOGUE

558 22 36
                                    

AN: Huwag na kayong malungkot, may book 2 pa naman. At doon sa book 2 masasagot na lahat ng mga tanong niyo. (Hi sa mga nag tatanong kung bakit di na kacrush back hahaha ako dapat crush nyo para may crush back)

[Play 'DI NA MULI BY THE ITCHYWORMS while reading]

EPILOGUE

Sabi nila, masakit daw kapag iwan ka dahil may mahal nang iba 'yung taong mahal mo. Well, ang masasabi ko lang, hindi pa siguro nila nararanasan ang maiwan nang wala manlang pormal na paalam at hindi mo pa alam ang rason kung bakit ka niya hiniwalayan.

Sabi rin nila, kapag nagmahal ka masasaktan ka talaga. Kasi kaakibat ng love ay pain, when you love, you'll feel pain. Ang love raw ay risky, kasi when you love tinataya mo ang lahat.

Isang linggo ang nagdaan. Sobrang sakit parin ng puso ko, hindi ko na nga alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko.

Pasagasa na lang kaya ako sa train? Chos lang, ayoko pang mamatay.

Pumapasok pa rin naman ako sa school, hindi na nga lang ako maka-focus ng maayos. Pakiramdam ko maiiyak ako sa tuwing lilingunin ko ang katabi kong upuan na blangko. Parang kailan lang katabi ko pa siya, pero ngayon wala na.

Kaya pala pumunta siya sa dean's office last week kasi inayos niya ang mga papers para sa pag-alis niya. In short, ang tanga ko kasi hindi ko namalayan na isa-isa na pala siyang gumagawa ng hakbang para maging maayos ang pag-alis niya.

"Peachy. Lumabas ka na, kakain na tayo."

Muli kong pinahiran ang mukha ko tsaka ako bumangon mula sa kama ko at tiningnan ang pinto. Alam kong hindi na magugulat si ate kapag makita niyang mugto ang mga mata ko. Saktong pagtayo ko ay nakita ko ang dalawang stuffed toy na baboy sa sahig, hindi ko na sila tinuturing na anak simula last week.

Wala akong balak na maging single mother ng dalawa biik 'no.

Tapos dumapo naman ang tingin ko sa side table ko kung saan nakalagay ang marker na ginamit ko noon para sulatan ang mukha ni Nikko.

Pakshet lang! Halos lahat yata ng mga bagay na nakikita ko ay siya ang naaalala ko. Siya ba, naaalala rin kaya niya ako?

Malamang hindi, kasi kung inaalala niya ako edi dapat hindi niya ako iniwan.

Lumabas na'ko sa kwarto ko at dumiritso doon sa hapag kainan para kumain. Kain lang ako ng kain, hindi ko namalayan na kanina pa pala nakatingin sakin si ate. At nang marealize ko ang ginagawa ko ay tsaka ako huminto at yumuko dahil sa hiya.

Pesteng 'yan self, sige magluksa ka pa. Kingina 'yan kasi jowa pa more.

"Nag-text sakin ang class adviser mo, sis."

"Anong sabi?"

"Ang baba raw ng mga grades mo. Hindi ka pa nga raw totally na nakakabawi sa isang buwan mong hindi pagpasok noong na-ospital ka tapos ngayon isang linggo ka na namang hindi nag-aayos sa pag-aaral."

"Ate, alam mo naman ang kondisyon ko, hindi ba?"

"And so?"

"Ate..."

"Peachy ako kasi, naghihirap ako sa pagtatrabaho para mabuhay tayo dito. Ako ang nagbabayad ng lahat ng bills natin, ako ang nagbabayad sa tuition mo. Utang na loob naman sis, ayusin mo ang pag-aaral mo."

First time ko yatang masermonan ni ate.

"Your life must go on, huwag mong hayaan na sa kaniya lang umikot ang mundo mo. Wala na siya, Peachy. Iniwan ka na niya."

Alam ko.

"Alam kong masakit kasi naranasan ko na rin 'yan, pero maawa ka rin naman sa sarili mo. Maawa ka rin naman sa mga taong nag-aalala sa'yo. Ni-hindi ka na nga kumain ng maayos oh, ang payat-payat mo na! Hindi na'ko magugulat kung isang araw ay mag-collapse ka!"

In The arms of a Chaotic Gangster (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon