#1

2 0 0
                                    

Disclaimer: Para sa makakabasa nito, pang una lamang po. Ito ang magsisilbing diary ko, everytime na makakaramdam ako ng emotional breakdown. Sa madaling salita, di po ito gawa gawa lang. Dito ko lang ilalabas yung nararamdaman ko. Yun lamang, maraming salamat.

July 5, 2020
Around 10pm.

After watching Its Okay To Not Be  Okay Episode5, out of nowhere bigla na lang akong naiyak. Di ako umiyak dahil sa kdrama na yan, or nagfefeeling lang ako. Pero masasabi kong para akong si Ms. Ko, maingay na parang lata, pero sa loob loob ko, "I am empty".
Pero bago nangyare yung gabi na 'to, mabigat na yung pakiramdam ko, gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mata ko, gusto kong sumigaw, pero di ko magawa.
Kasabay ng luhang lumalabas sa mata ko ang pagbuhos ng ulan kasabay ng kulog ngayong gabi.

Sabi nila pagnakaiyak ka na, mababawasan na yung bigat sa dibdib mo, gagaan na yung loob mo, pero bakit saken ganun pa rin? Mabigat pa rin.

Iiyak ng ilang minuto, pagkatapos titigil. Maya't maya, nandyan ulit, papatak na naman ang luhang di ko alam kung paraan, kung ano ba talaga ang dahilan.

Bawat pag iyak, walang pumapasok sa utak ko, basta umiiyak lang ako, ganun lang. May sandaling, naiisip ko yung kutsilyo sa mesa na nakita ko bago pa ko humiga sa kama, iniisip na baka pagnaglaslas ako, mawawala na siguro yung bigat at sakit na nararamdaman ko. Kaso naisip ko, kabaliwan lang yun, tandaan mo may anak ka di mo pwedeng iwan, matakot ka nga sa Diyos.

Matapos non, titigil ako sa pag iyak.

Pero, bakit basa na naman ang pisngi ko? Bakit basa na naman ang mga mata ko? Umiiyak na naman ba ko?
Hanggang, maya maya, hawak ko na naman yung damit ko, nakapwesto sa dibdib, nakakuyom, umiiyak, di makahinga dahil sa patuloy na pag iyak, pinipigil na gumawa nang ingay, baka magising yung tatay ko, sabihin non nagdadrama lang ako.

Sana nga nagdadrama lang ako.

Bawat pagpatak ng luha kasabay nang pag-agos ng ulan, ramdam ko ang lamig ng hangin. Niyayakap ako nito, kasabay din nang pagyakap ng kalungkutan, na di ko alam kung san nanggagaling.

Umiiyak na naman ako, pinipilit kong tumigil sa pag iyak. "Positive thoughts, positive thoughts", paulit ulit kong sambit sa utak ko, habang patuloy sa pag iyak, yakap ang sarili, o di kaya'y unan sa tabi ko.

Ilang araw ko na bang nararamdaman to? Araw lang ba talaga o taon na? Ilang taon na nga ba? Kelan pa nagsimula?

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam, gaya ng nararamdaman ko, di ko alam, basta ang alam ko, MASAKIT, MABIGAT.

Kelan ko ba naramdaman yung totoong saya? Di ko kase maalala. Ilang araw ko na iniisip kung kelan ako ngumiti nang totoo, "nagseselfie" ako, pero ramdam ko yung ngiti ko, di talaga totoo, pilit lang.

Sana maramdaman ko ulit yung totoong ngiti at saya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Emotional BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon