Chapter 11

79 20 0
                                    


Chapter 11

_________________________________________

"Bababa na ako..." Sabi ko ng binuksan ko ang pinto sa sasakyan niya.

Hindi naman siya gulat sa ginawa ko. Usually ganoon talaga ako, hindi na ako naghihintay na lalabas pa siya para pagbuksan ako ng pinto. Binaba niya ang bintana sa sasakyan para makita ko ang kanyang mukha.

"Ayaw mo bang pumasok?" Pagtaray ko pa. He just laughed at unti unti rin binuksan ang pinto. Tumingala ako sa paligid. Ang daming tao ngayon sa school. Siguro malaki itong skwelahan. Hindi na ako magtataka kaya marami ang tao dito.

May mga babaeng naghagikhikan sa gilid. May mga lalaking naglalaro ng soccer o kahit anong sport. May nagsitawanan sa isa't isa. Medyo nakaramdam ako ng lungkot ng naalala ko siya. I missed my boy bestfriend, hmm.

"Huy! Tulala ka diyan ah?" Walter even waved his hand. I blinked at nawala ang sa utak ko ang iniisip ko. Earlier I was about to think about him pero sumingit pa ang engot na 'to.

"Ano ba?!" Halos naiirita ako dahil sumingit pa siya. "Tara na nga!" Sabi ko sabay hila sa kanya palayo sa kanyang sasakyan.

Hindi na ako nagulat, ang daming tao na nakapaligid sa hallway, kung saan ang mga locker.

"I'll just get some things out." sabi ko sabay turo sa locker ko ng hindi kalayuan. He nodded at agad akong lumayo sa kanya para kunin ang sched ko. Hindi ko na siya muling nilingunan.

Kinuha ko ang isang pocket book na nasa loob ng locker ko, isa ito sa mga binili ko nung nagshopping kami ni Kuya. Hindi na ako naglabas ng iba dahil for sure wala talagang klase na mangyayari ngayon dahil, Of course first day!

Bumalik ako kung saan si Walter. Pinaligiran agad siya ng babae, what can you say about a transferee. I was hoping na sana hindi lang kaming dalawa ni Walter ang bago dito. Weird nga kasi second sem ko dito.

Walter's eyes never left the girls. Two of them were clinging onto him. May iba ding nakipag usap sa kanya. I was not really pissed at this moment, I am actually happy. Sana nga makita niya ang babaeng mahal niya dito o kung may mahalin siya dito.

"Walter mauna na ako!" sabi ko using our languange para walang makaalam kung ano ang sinasabi ko. Sumulyap siya sa akin at agarang tumango. I flashed a smile at tuluyan ng lumayo sa kanya.

Hawak ang mga libro may tumapik sa aking balikat. Dahil sa dami ng tao hindi ako makatingin kung sino yon. The crowd is pushing me pero hinawakan ko siya sa braso para makita kung sino siya.

It's a girl.

She even smiled when she saw me. I flashed my curious look, just to tell her why she's smiling like this. Kumunot ang noo niya and it's giving me more questions.

"Uh..." Yan lang ang tanging nasabi ko.

I felt awkward, I was about to reach out of my hand but then she talked.

"Tagalog ka din? Narinig ko ang sinabi mo kanina e!" Masayang sabi niya habang tumatalon. Kumunot ang noo ka, parang lumiwanag ang aking buhay. May Filipino talaga akong kaibigan, atlast!

"Shit! Fucking shit, I can't believe it!" Maligayang tono niya at mas lalo akong hinila palayo doon. She was happy, because I think she found a... Me? A filipino? I don't know.

"Uh, I'm Cleo." I said habang hiningal pa sa pagtakbo palayo doon. I even reached my hand para makilala ko siya.

"Ano ka ba! Walang english english dito! Cristine..." She shook my hand. Patuloy pa siya tumitili. Ngumiwi ako dahil sa nipis ng kanyang boses. That really stung my ears though.

Slow Dancing In The Dark Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon