Chapter 2

72 3 0
                                    

Chapter 2


PAGKA-UWI namin agad kong sinearch ang pangalan ni Mason.


"Ang daming Mason sa facebook, pero bakit wala siya?? Wala siyang facebook account?" sabi ko habang patuloy na nagsesearch sa kanya. Ilang oras na rin ako nag-hahanap ah.


"Ay kaloka! Bakit wala siya? Eh kung binigay na lang sana niya yung number niya kanina nung hinihingi ko? Edi okay na sana ngayon, hindi ko na kailangan mag-aksaya ng oras kaka-search sa kanya? Pasalamat ka gwapo ka, kaya magiging worth it din ito" pangungumbinsi ko sa sarili ko


"Bakit kasi di ko din natanong yung surname niya?"


"ATE!" sigaw ni Andy sa labas ng pinto ko habang kumakatok.


"Bakit?" sigaw ko pabalik habang nagsesearch pa rin ng mga tao na may pangalan na 'Mason' dito.


"Tawag ka ni mommy, may utos ata sa'yo" sabi niya at kumakatok pa rin


"Ikaw lang inuutusan niyan eh, iuutos mo lang sa akin. Busy ako!" sabi ko at hindi siya pinansin


"Ate! Buksan mo 'tong pinto, bahala ka paakyat na si mommy. Tawag ka nga niya, masakit na rin 'tong kamay ko kakakatok."


Hay alam niyo ba kung gaano kahirap hanapin yung crush ko sa facebook?


"Ate, sige na!" patuloy na tawag ni Andy


"Jusko ang kulit! Ayan na!!" sagot ko at tumayo na para buksan ang pinto. Nakita kong hawak na ng kapatid ko ang knuckles niya na ginamit niya sa pag-katok.


"Andy, namumula na yung knuckles mo hala. Sorry, libre ka na lang ni ate mamaya ng ice cream okay? Ano ba yung inuutos ni mommy?" nakokonsensya kong sabi


"Di ko din alam, basta sabi niya tawagin daw kita, may sasabihin daw" sabi niya sa akin


"Andy! natawag mo na ba ang ate mo?" sigaw ni mommy na halatang pa-akyat na kaya mabilis akong lumabas at hinila na si Andy para salubungin si mommy. Nahila naman ni Andy ang kamay niya mula sa akin at pumasok na sa kwarto niya para siguro hindi na mautusan uli.


"My, bakit po?" sabi ko agad sa kanya


"Ikaw na bata ka talaga, gusto mo inaakyat ka pa. Dun tayo sa kitchen may sasabihin ako" sabi niya at bumaba na uli, naka-sunod na lang ako sa likod niya


"My, bakit sa kitchen pa?"


"Nagluluto ako. Baka masunog pa, kaya sumunod kana lang, Ali"


Ano kayang sasabihin niya? Sayang yung oras huhu sobrang importante ba nito? Na mas importante pa sa paghahanap ko sa magiging ama ng aking mga supling?


"Alianna, tumawag sila Belle ngayon lang. They're asking kung pwede ka daw bang sumama bukas sa kanila para i-enroll si Mason?" tanong ni mommy

Tricks and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon