Chapter 3

40 3 0
                                    

Chapter 3


PAGKA-TAPOS akong tawanan ni Mason sa tanong ko ay unti-unti siyang sumeryoso at tinignan ako na parang nagtatanong.


"You're serious?" naka-taas ang dalawang kilay niya at medyo nanlalaki ang mata niya sa akin. Tumango naman ako at binigyan siya ng magandang ngiti.


"Of course! I already told you that I have a crush on you" sabi ko sa kanya


"Oh. I thought you're just being silly yesterday" kumunot ang noo ko sa kanya


"What? Of course not! Crush nga kita, kaya sagutin mo na kasi ako"


"Hindi ka naman nanliligaw?" his eyes are full of humor and he's smirking at me!!


Nanlaki agad ang mata ko sa kanya at napa-awang ang bibig. Tumawa nanaman siya.


"I'm just kidding, Alianna. But no. I don't have one" sabi niya sa akin at bahagyang sinara yung bibig ko. Naramdaman ko yung pag-init ng mga pisngi ko. Paniguradong pulang-pula na ako nito.


Think. Ali! Mag-salita ka!

"G-gusto mo ba?" wala sa sarili kong tanong


"Huh? Anong gusto ko ba?" nalilito niyang tanong. Nababa na rin niya yung kamay niya at naka-pasok na uli sa bulsa ng black cotton shorts niya.


"Na ligawan kita?" sabi ko sa kanya.


"HA?" medyo napapikit ako sa lakas ng pagkaka-sagot niya pero pag-bukas ng mata ko nakita ko yung panlalaki ng mga mata niya sa pagka-bigla sa sinabi ko


"Eh sabi mo kasi hindi ako nanliligaw?"


Napahaplos si Mason sa mga mata niya na parang pinapakalma ang sarili pero bigla-bigla na lang umaalog yung mga balikat niya at tumawa na ng malakas


"Huy! Mason. Okay ka lang? Gusto mo ba ng tubig?" medyo nakaka-attract na rin kami ng tao dahil ang lakas ba naman ng tawa niya.


"Kasi naman eh! Hindi naman ako nagbibiro" sabi ko uli sa kanya. Medyo humihina na rin naman ang tawa niya pero pag napapa-tingin naman siya sa akin ay parang natatawa siya uli.

Mukha ba akong clown sa paningin niya? Bakit ba tawa siya ng tawa?


"Pasalamat ka crush kita at gwapo ka, kung hindi ma-ooffend na talaga ako" bulong ko sa sarili ko pero parang narinig niya ata.


He's looking at me with his amused eyes and small smile on his lips.


"You seriously have a crush on me?"


"Mason, hindi ko alam kung gusto mo lang talaga palagi marinig na crush kita o sadyang slow ka lang talaga? Ilang beses ko ba kailangan ulitin?"

Tricks and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon