Wala akong naging crush nung grade 3 hanggang maka-graduate ako ng elementary. Pag tungtong ko ng highschool ay pumasok ako sa Finger Lickin Academy, FLA in short.

Active na active ako sa klase namen kabaligtaran noong elem palang ako. Naging secretary ako sa section namin. Marami akong sinalihan na iba't ibang extra curricular activities. Lagi rin akong leader kapag may groupings. Nung in-announce ang honors ng pang 1st at 2nd quarter ay hindi naman ako masyadong nakikinig top 5 na ang tinatawag hindi pa den ako natatawag. Hindi naman ako nag-eexpect pero syempre nage-excel naman ako sa klase kaya kahit papaano at umaasa ako na baka makapasok man lang ako sa top 10. Top 3 na pero wala pa ring Aisaka Chua. Nawalan na ako ng pag-asa kaya mas pinili ko nalang tumungo sa upuan ko.

" And your top 1 for 1st and 2nd quarter is, CHUA AISAKA! " Sus kung sino ka many chua aisaka tubuan ka sana ng pigsa sa pwet. T-teka c-chua daw? May kaapelido pala ako dito sa room? Ngayon ko lang nalaman.

" Uyyy Chuaaaa!" sigaw sakin ng mga katabi ko habang niyu-yugyog ako. Watda? Ako yung top one?? Ansaya ko non kasi for the first time naging top one ako. Nung grade 5 kasi ako pang 4 lang ako yun lang yung level na nagka medal ako bukod sa mga sinalihan ko nung elem.

Marami akong naging kaibigan noong first year. Nagkaron din kami ng tropa. Pero may dalawa akong best friend na hindi kasali don dahil sabi nila sakin ramdam daw nila na di sila tanggap ng tropa ko kumbaga ayaw daw sakanila. Pero yung dalawang yun ay hindi magkaibigan. Nahirapan akong i-balance ang oras ko para sa kanila. Sa tropa ko , kay Alyssa at kay andrea.

Sumapit ang January nagkaroon ng youth week sa school namin at naisipan kong sumali sa pagiging ST o student teacher at napili ako.

Nung nagsimula na kaming magturo sa mga lower level ay may mga kasama din ako na galing sa ibang section. Tuwing vacant namin at magkakasama kami sa library ng elem building na ginawa naming faculty room.

Nagkaron ako ng crush sa isa kong ka-ST na si Kyle Dela Merced. Tuwing tapos na kaming magsi-gawa ng lesson plan at wala ng ginagawa ay lagi siyang naggi-gitara. Simula noon ay naging paborito ko na ang kantang One and only you ng parokya ni Edgar.

Pagkatapos ng isang linggo ay balik na sa dati. Balik na ako bilang isang estudyante.

" Oy alam niyo ba yung one and only you ng parokya? " tanong ko sa tropa ko.

" Hindi." sabay sabay nilang sagot. Napabusangot ang mukha dahil ni-isa wala man lang nakakaalam ng kantang yon. Ang ganda kaya non!

Isang araw may pumutok na balita. Nalaman ng tropa ko crush ko si Kyle na taga kabilang section at ang mas malala at kumalat yun sa room. May mga nakakaalam narin na iba sa iba pang section. Jusko po ano ba itong nagawa ko? Isinulat ko lang naman sa autograph ni Cia , tropa ko. Dun sa tanong na ' Who is your crush?' ay isinulat ko ang buong pangalan ng crush ko. KYLE DELA MERCED ♥ Kumalat yun at sabi ng tropa ko sakin ay nakarating na din sa girlfriend ng crush ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon