Prologo

10 1 0
                                    

"Ah! Ah!"

"Ere pa Amalia! Sige! Ere pa!"

"Ha! Ha! Ah!"

"Konti na lang Amalia! Kaya mo yan!" tagaktak ang pawis na saad ng komadrona.

"Bibilang ako", muling maayos at naghanda ang komadrona sa paanan niya. "Isa! Dalawa! Ere!"

"Aaaaaaahhhhhhhhhh!" lakas na sigaw ni Amalia matapos humugot ng isang malalim na hininga.

Pagkatapos niyon ay palahaw naman ng isang sanggol ang maririnig na siyang naghatid ng malawak na ngiti sa mga naka-paligid kay Amalia.

Sa kabilang banda, wala ni isang nakapansin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ng bagong panganak na dalaga.
Wala ni isang nakabatid sa tunay na nararamdaman ng bagong ginang sa kabila ng maayos na pagluwal sa kanyang sanggol.

Hawak ng komadrona ang sanggol ay dahan dahan niyang inilapit sa harapan ng kanyang ina upang masilayan. "Tignan mo Amalia! Napakaganda ng iyong anak." ani nito na tuwang-tuwa.

Pilit man ay dahan-dahang iminulat ni Amalia ang kanyang nga mata. At noon nga ay nasilayan niya ang anak. Marahan niyang sinuri ang bawat parte ng mukha nito, inilakbay ang tingin sa kanyang kabuuan hanggang sa dumako sa parteng kaliwang dibdib nito at pilit inaaninag ang mapulang mantsa na parang nakaukit sa balat nito.

Bago pa man siya maigapo ng kadiliman ay umarko ang isang mapait na ngiti mula sa kanyang labi, kasabay niyon ay hinayaan niyang bumuhos ang isang ala-ala sa kanyang isipan...

"Amalia, masaya akong ipabatid sa iyo na pinahintulutan na ako ni ama na hingin ang iyong mga kamay mula sa iyong mga magulang. Kaya nais ko sanang ipaalam sa 'yo na bukas na bukas din ay tutungo kami sa inyong tahanan." nangingintab ang mga matang salubong sa akin ni Fernan ng magkita kami sa aming tagpuan.

Sa gulat sa aking narinig ay lumuwa ang aking mga mata at napatakip ang dalawang kamay sa labi." T-tlaga Fernan? Masaya akong marinig iyan! Kung gayon ay-"

" Oo Amalia, nais ko na sanang magpakasal na tayo sa lalong madaling panahon. Sabik na akong makasama ka sa buong buhay ko." putol nito sa aking sinasabi.

Pagkuway dahan-dahan siyang lumuhod sa aking harapan na may malawak na ngiti. At doo'y napansin ko na may inilabas siyang isang napakagandang sing-sing mula sa kanyang mga palad. Kumikinang ito na para ba akong hinihipnotismo. Hindi ko mapigilang mapahikbi sa halo-halong damdamin na namumuo sa aking dibdib na batid kong mahirap ipaliwanag.

" Amalia, handa ka na bang samahan ako sa mga tungkuling ko balang araw na aking gagampanan? Bubuo tayo ng isang masayang pamilya, at magsasama sa hirap at ginhawa?" nagsusumamong saad nito habang hawak ang aking mga kamay. Kaya naman ay ramdam ko ang kaunting panginginig niya tanda na siya'y kinakabahan.

Sa tuwa ay hindi ko napigilang mapaluha. Hindi ko kelan man naisip na aalukin na niya ako ng kasal.

" Oo. Oo Fernan! Handa ako! " sabik kong tugon at hindi mapigilang mapaluha sa hindi mapagsidlang ligaya na aking nadarama.

May pag-iingat niyang isinuot ang sing-sing sa aking palasing-singan at pagkatapos niyon ay tumayo siya't niyakap ako ng mahigpit. "Salamat Amalia! Salamat! Labis-labis ang aking kagalakan sa mga oras na ito! " naluluhang saad nito pagkuway iniangat ang isang kamay at dahan-dahang pinahid ang aking mga luha ng marahan. 

"Oo Fernan. Hinding-hindi ako tatanggi dahil mahal na mahal kita!" maligayang tugon ko.

"Mahal na mahal din kita Amalia." sagot niya. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Habang nakatitig ako sa kanya, pilit kong binabasa ang nais ipahiwatig ng mga mata niya.

AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon