1

0 0 0
                                    

1

Start


Malakas na hangin ang nagpasabog sa aking kulot at mahabang buhok na kulay tsokolate. Feel na feel ko ang pagwagay way nang aking buhok habang nakasakay sa jeep papunta sa UB. Nakapikit ako habang sinusungaw ko ang aking ulo sa labas nang bintana nang jeep. Malakas ang hangin dahil sa mabilis ang takbo nang jeep. Napahawak ako sa aking upuan nang biglang pumreno ang jeep.

"Miss naman! Alam ko na, na pink na palmolive ang shampoo mo tapos may cream silk na conditioner! Lasang lasa ko na po teh! Pwedeng pa tali?" Nagugulat na nag angat ako nang tingin sa bakla na nasa tabi ko.

Namilog ang aking mga mata nang matanto ang kanyang sinabi. Damn! Nakakahiya! Nahihiyang inipon ko ang buhok ko saka nanghingi nang despensa sa bakla na parang nakahinga nang maluwag. Nakita ko naman ang mga taong nasa loob rin nang jeep at halatang pinipigilan ang kanilang pagtawa. Yumuko na lamang ako saka kinutingting ang aking kuko.

Nakakahiya. I was just feeling the breeze innocently pero nang dahil lang doon ay nasinghalan ako. It was my total fault. This is my first time na nakasakay sa jeep. And I don't know na ganito pala kapag nakalay lay ang buhok mo at maraming naiirita. I understand his sentiment. Kung ako siguro ay paniguradong maiirita rin dahil parang pinapakain nito ang buhok nito sa akin.

Huminga ako nang malalim saka mas lalong naibaon ang sarili sa kahihiyan. Kinagat ko ang aking labi. This is the worst day, I must say. Una dahil naabutan kong magkagalit na naman si Daddy at Kuya. Gusto kasi ni kuya mag aral nang Education kaya lang mas gusto ni Dad na mag law si Kuya. Kaya naman singhalan at sigawan ang naabutan ko sa umaga. Tapos sunod, ito naman.

Nanatili akong walang imik at nakayuko. Ramdam ko ang pag vibrate nang phone ko mula sa bag ko pero hindi ko yun pinansin. Mabuti na lamang at naka-silent yun.

"Para po!" Nagulat ako sa biglaang pag preno kaya naman nausog ako, buti na lang at may katabi ako. Nagpalinga linga ako dahil sa pagtataka, nang makitang nasa eskinita na kami ay agad akong nagbayad sa driver saka bumaba nang jeep. Pinagpag ko ang skirt ko na nagulo bago ang buhok ko naman ang inayos ko.

Nang mag go signal na ay tsaka pa lang ako lumakad sa pedestrian lane. Kasama ang iba pang mga taga-UB na students. Habang naglalakad patungo sa gate ay hindi ko mapigilang hindi pumasok sa Dalikyat na katabi lang nang school.

"Good morning!"

"Good morning rin po ate." Magalang na saad ko saka bumili nang Moju-moju at saka pringles.

"Ang aga mo ngayon ha? Bakit?" Nakangiting p-in-unch nito ang mga pinamili ko para sa price.

Tumawa ako nang mahina.

"Kailangan ko pong mag study ngayon. May exam po kasi kami ngayon at malaki ang magiging epekto nun sa grdaes namin." Kumuha ako nang 100 pesos mula sa wallet ko.

"Eh?! Di ba ang yaman nyo?! For sure kaya nyong bayaran ang Monthly payments dyan di ba?"

"Ah, oo kaya naman. Pero kasi. Mas gusto ko na may mapatunayan. Gusto kong ipakita sa iba na kahit may pera kami, kaya ko pa ring gamitin nang buo ang utak ko." Binuksan ko ang lalagyan nang pringles saka ako kumuha doon, binigyan o naman si ate tere kaya lang ay umayaw ito.

"Kakaiba ka talaga. Alam mo bang may crush sa 'yo si Drino? Gusto ka nun!"

Namula ako dahil sa sinabi nito. Drino is her newly found friend. Nakita nya daw kasi itong nag a-apply sa dalikyat kaya kinaibigan nya. So different from other higher people na nanglalamang na. Nagsasariling nagtratrabaho rin dito sa dalikyat. At hindi nagpapabigat sa kanya. Pero usap usapan sa buong School na mayaman daw.

Through The Wilderness Of Amazon (Classmate S. 1)Where stories live. Discover now