Chapter 5:Crush?

60 6 6
                                    

Blyth’s POV

Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Nilibre ako ng Beshy ko. Syempre tatanggihan ko pa ba?  Hindi na noh! Aba! Basta pagkain Go ako! Bwahahaha, Ok. Matakaw naba? Who Cares? 

Pansin ko naman na hindi umiimik si Asha. Kanina pa ganyan yan. Tapos maya'maya mapapahawak siya sa labi niya. Anong nangyare dito?

Kunot noo ko siyang tinignan. "Huy! Anong problema mo?" Sabi ko sakanya. Mukha pa ata siyang nagulat.

"Ha? Ah. W-wala naman. Bakit?" Tanong niya. Hindi niya kasi kinakain yung pagkain niya.

"Nakatunganga ka jan. Anong bang meron sa labi mo ha?" Lumaki naman yung mata niya sa tanong ko. Ano ba talagang problema neto? Tapos maya'maya tumawa. Pucha. May kaibigan akong baliw.

"Hahahahah! Wala ano ka ba? Kumain ka na nga." Sabi niya. Puters. Bahala nga siya.

~ Sa Field~

Ano ba naman yan! Ang ingay. Sigaw dito, sigaw dun. -___________-

“Besh.. May sasabihin akong sikreto sayo..Kasi ano eh. Nawala na yung First ki - - Punyeta hindi pala ako pinapakinggan ng babaeng to. Hooooy!! Beshhh!!!”

“Aymaykabayosaharapanko!!” Putakte napatalon pako sa sigaw niya. Kanina papala niya ko kinakausap pero diko sya pinapansin. Pano nakatingin lang ako sa isang guy na nakatalikod. Ang hot kasi nya kahit nakatalikod eh. Naka’jersey #17 pa. Grabe ngayon lang ako ulit nagka’crush. Magpapa'party na ba tayo?

“Asan? Asan yung kabayo besh?” Sabi nya habang may hinahanap hanap. Talagang hinanap nga nya. Binatukan ko nga ulit. -________-

“Anong kabayo? Walang kabayo! Tignan mo yun besh. Crush ko na ata yung naka’jersey #17 ang hot kahit nakatalikod, pano pa kaya pag humarap. Pakingshet kinikilig na ata ako.” Sabi ko habang hinahampas hampas siya.

“Omygod! Nagka'interes ka na ulit sa lalaki! Osige pag humarap yan tignan natin kung gwapo nga talaga. Pagkatapos alamin natin yung name. Nakakainis ka naman besh eh! May sinasabi pa naman ako tapos ikaw lutang yung mata mo sa hot guy na yan. Pero Infairness ang gwapo kahit likod palang” Sabi ni Asha.

“Eh? Ikwento mo nalang kay manong guard yan! Nagdedaydream pa ako eh. Na magiging kami. Tapos matitikman ko ang kanyang matatamis na halik. Pagkatapos mahahawakan ko ang malalambot nyang kamay at ikakasal na kami. Haaayy ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo” Sabi ko. Feel na feel ko talaga ang pagkakasalita.

“Tama na besh! Nagmumuka ka ng tanga eh. Sagad na talaga pangarap mo!”

“Libre lang mangarap noh! Gusto mo ako pang manligaw jan eh. Kaya ko yun. Basta ba siya ang liligawan ko!” Kinikilig talaga ako. Bakit ba?

“Teka ayan na yung guy. Haharap na! Haharap na!” at pagkaharap ng guy - - “Waaaahh! Tangina Besh! Si Hanzley yung crush mo! Sabi ko na eh. Kababaliwan mo din yan. Bwahah- - aypucha aray!” Binatukan ko nanaman.

When Tadhana Plays With UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon