Zinc Kieser Monteverde
8:49 AM
Tinatamad na ako mag-aral.
Zinc Kieser: Oh, bakit?
Wala naman.
Tinatamad lang talaga ako ngayon. Umagang-umaga eh feeling ko ang dami ko nang ginawa kahit wala naman.
Ikaw ba, wala kang klase?
Zinc Kieser: Meron.
Pero walang prof pero may iniwang activity kaya 'di ka makaalis?
Zinc Kieser: Alam na alam ah.
Ako pa? Eh, may ganyan rin kaming prof. Hahaha.
Laging wala pero may activity na iniiwan.
Zinc Kieser: Haha.
Sama ka sa Friday?
Zinc Kieser: Saan?
Samgyup.
Zinc Kieser: Oo. Inaya na kami ni Kyrie, ikaw raw manlilibre, eh.
Aba naman.
Zinc Kieser: Ge na. May prof na dumating.
Ge.
Aral ka ng mabuti, ginoo.
Zinc Kieser: Ikaw rin, binibini.
Seen
12:09 PM
Kaurat naman 'tong isa naming ka-grupo. Sarap iumpog ang ulo sa board.
Zinc Kieser: Bakit ang brutal mo?
Zinc Kieser: Ano bang ginawa?
Pabuhat eh. Wala na ngang inambag sa grupo, ayaw pa niyang mag-report sa harap.
I-dribble ko kaya ulo nito?
Zinc Kieser: Kalmahan mo.
Zinc Kieser: 'Wag niyo na lang isulat ang pangalan niya sa papel.
Paanong hindi isusulat eh, siya nagsulat ng mga pangalan namin sa 1/4, siya na rin nagpasa kaya wala na kaming nagawa.
Kakausapin ko talaga prof namin, sasabihin kong wala siyang tinulong.
Banas.
Zinc Kieser: Abot dito sa Labrador 'yang inis mo.
Zinc Kieser: Haha.
Nakakainis kasi.
Lagi na lang siyang ganito. No wonder, walang gustong kumuha sa kanya bilang miyembro ng group.
Pasalamat nga siya at naawa pa ako sakanya kaya ko kinuha eh.
Hays.
BINABASA MO ANG
Guard (Varsities Series #2)
Teen FictionKelsey Allison Sison x Zinc Keiser Monteverde SECOND INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: June 24, 2020. 5:51 PM DATE ENDED: January 14, 2021. 5:25 PM