CHAPTER ONE

2 1 0
                                    

Nang makarating sa room ay biglang tumili sila Cassandra ng makita ako. Bugla silang tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

"Oh my God girl! I miss you" sigaw ni Allison. Inirapan ko naman ito.

"Gaga ka magka-kasama tayo ng isang buong buwan noong vacation." Ani ni Cassandra

"OA mo, Allison, ha?" Ani Alliyah

"Baka gusto mo din sumingit, Stef?" Pagsusungit ni Allison kay Stef, natawa naman kami.

"OA mo lang, Allison, miss na miss si Ang?" Natatawang ani ni Stef, natawa naman kami, umiirap namang naglakad si Allison papunta sa upuan niya.

As usual doon nanaman kami sa pinakalikod at magka-kaklase naanaman kami. Base on average kasi by section sa school. Nasa first section kami in fourth grade in High School.

Nglakad na din kami paupo at nag form ng pabilog para mag chika-han.

"By the way, gals, pinapabigay nila Ate" sabi ko sabay abot ng mga paper bags sakanila.

Nasa ganun kaming eksena ng pumasok si Mike sa room, our one and only gay friend. Pogi siya, maputi, matangkad at talagang maraming nagkaka-gusto sa kanya dito sa University kaso tabingi ang gaga.

"Haller mga mama!" bati niya samin bago dumiretso sa upuan niya, sa kabilang side kung saan naka pwesto ang mga boys. Kaklase nanaman namin siya, nakakatuwa namana.

"Bakla ang haggard natin ah?" Ani Alliyah

"Nag face to face naman ba kami ng amang hari, gurl! Sinong di ma-lolosyang doon?!" natawa kami sa sinabi niya. Laging stress si Mike everytime na kinakausap siya ni Tito. Medyo against pa kasi si Tito sakanya, but he's still dealing with it, since nung first year palang niya nalaman na tabingi ang bunsong anak.

"Para di ka malosyang, bakla, ito pasalubong ni Ate Cassie" ani ko at inabot ang huling paper bag.

"Taray ng Ate Cassie. May pa-toblerone ah? Lumi-level up ang gaga" natawa kami dahil last na nagbigay ng pasalubong si ate ay walang toblerone doon, dahil puro branded shirts and other stuff like perfume.

"Nagkaroon na ng time bumili, bakla" natatawang ani ni Stef. Natawa naman kami.

Nagkwentuhan muna kami bago dumating si Miss.

.

.

.

.

.

.

.

BREAK TIME!

Nagaayos na kami ng gamit bago lumabas at bumaba papunta sa cafeteria. Naglalakad na kami palabas ng room ng bigla kaming pinatigil ni Mike.

"Wait mga bakla, gi-jingle muna ang mama bago gumora sa cafeteria, samahan niyo 'ko syempre sa labas kayo, siguraduhing walang papasok at baka ma-rape ang bakla" ani niya at naglakad papunta sa rest room sa floor namin na nasa dulong bahagi ng hallway.

Natawa kaming sumunod sakanya. Ayaw niya sa lahat ay pag mag cr siya ay may sumabay, berhen pa daw siya, tsk.

Pagkatapos niyang mag cr ay naglakad na kami pababa at dumiretso na sa cafeteria, sa kabilang building.

Si Mike at Cassandra ang pumila para mag order at naiwan naman kami nila Alliyah, Allison at Stef sa table naming mag babarkada.

Lumipas ang ilang minuto ay dala na nila Cassandra at Mike ang snack namin. Nag excuse naman si Alliyah, to buy Lays sa vendo machine.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mag announce si Dean.

"Paging all varsity players together with the cheering squad on the gymnasium after break time." Announce ni Dean, nagmadali kami dahil member kami ng cheering squad, ako ang leader while Mike is a volleyball varsity.

Naglalakad na kami ngayun papunta sa gymnasium.

"Ano nanaman kayang eksena at maagang nagpatawag ang hari ng unibersidad?" Aning Mike

"Baka may meeting?" Ani Stef

"Napa aga naman yata, it should be next next month" ani Cassandra

"Baka mag tatanggal? Char" sinamaan namin ng tingin si Allison ng sabihin niya iyon. Di nagtatanggal ng varsity or cheering squad. Nagdadagdag, kung sakaling may seniors ng ga-graduate. Gaya namin madadagdagan na next year kasi senior high na kami.

Nang makarating sa gymnasium ay nakita ko ang mga nagtatangkadang varsity players ng basketball, volleyball, football, softball etc. Well halos lahat naman matatangkad. Sa cheering squad ay ako ang pinakamatangkad, I stood up 5'9 nearing 6'0.

Nakihalubilo na kami sa mga naroon na varsity players na nagtataka din kung bakit nagpatawag ng ganto kaaga si Dean. Ilang minuto pa ay umakyat si Head Coach Gonzales sa stage kasama ang ibang Coach.

"Good morning, everyone" bati niya sa amin at bumati naman kami pabalik.

"I know half of y'all or all of you are confuse of the sudden call by the Dean. We are here to announce that the sport fest will start next next  month, August, that early. Ipinatupad na ang bagong batas na ang sport fest ay magaganap na every September at hindi na August." Ani ni Head Coach Gonzales "So we are here to gather all cheering squad and varsity players to announce this news, because starting on next month, umpisa na ng training ninyo. At wala na ring Intrams na magaganap ayon sa batas na ipinapatupad ngayun"

Nabigla kami sa sinabing iyon ni Head Coach Gonzales, usually kasi September ang sport fest. Nanghinayang din kami sa Intrams na hindi magaganap. Yun kasi ang maganda every school year, Intrams kasi maraming booth, at buong buwan ang Intrams di gaya sport fest na tumatagal ng dalawang linggo or less depende sa bilang ng manlalaro na matitira habang patagal ng patagal ang sport fest.

Maraming umatungal ng sinabing wala ng Intrams at ang napaagang sport fest. Nanghinayang ang iba sa pagkawala ng Intrams lalo na kaming mga fourth year high school.

"I know against kayo doon, pero ang ibang ginagawa sa Intrams such as booths ay gagawin na lamang every foundation day." Nagdiwang naman sila roon, dahil boring din minsan ang foundation day.

Marami pang sinabi gaya ng pagpapapalit ng jersey ng mga varsity at ng uniform naming mga cheering squad. Nagtagal ng 30 minutes ang announcement na iyon.

Walang masyadong ginagawa dahil first of classes kaya naman dumiretso na kami sa room para mag hintay ng next lecturer na papasok.

Pagpapakilala lang naman ang ginagawa every first day, Kaya ginawa namin ay nag chika-han muna kami titigil lang pag may dadating ng lecturer at tutuloy na uli pagkatapos ng pag papakilala.

Dismissal came and we are all now walking towards the main gate, Wala pa kaming sari-sariling car, nag tyatyaga sa mga service namin. I heard na college pa sila magkakaroon.

"Ingat!" Paalam ko sakanila ng mauna na silang mauwi dahil nanjan na ang sundo nila.

"Pasabi salamat ha?!" Ani ni Alliyah

"Sabihin mo hang out sa sabado, Ang!" Ani Stef

"Oo, sige ingat kayo ha? Chat chat nalang sa group chat mamaya" ani ko at naglakad papunta sa waiting shed sa tabi ng main gate.

Ilang minuto pa ay dumating na sila ate at umuwi na din kami dahil kakatapos lang nila mag shopping.

—————
✒️LV

LUNATICS SERIES #1: LOVING A PLAYERWhere stories live. Discover now