TilaLuha lyrics

372 10 0
                                    

TILALUHA

Sa tuwing ika'y nakikita,
'Di mapigil ang luha sa aking mata.
Paano nga ba? Paano nga ba? Paano nga bang limutin ka?
Kung sa puso ko, ika'y nag-iisa.

Mali ba na ako'y umaasa?
Tama ba'ng nadarama, para sa'yo sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba? Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo'y mayroon nang iba.

Unti-unting lunurin ang aking nadarama.
O, buhis ng ulan, 'wag nang tumila pa.
Paano nga ba mapapawi? Labis na pagdurusa.
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka.

Kahit na ula'y tumila na.
Luha sa'king mata'y patuloy pa.
Ano nga ba? Ano nga ba? Ano nga ba'ng magagawa?
Kung hanggang ngayo'y mahal pa rin kita.

Unti-unting lunurin ang aking nadarama.
O, buhis ng ulan, 'wag nang tumila pa.
Paano nga ba mapapawi? Labis na pagdurusa.
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka.

Lahat din ay mawawala,
Kasabay ng pag-tila ng nadarama.
Unti-unting lunurin ang aking nadarama.
Ahhhh~

Unti-unting lunurin ang aking nadarama.
O, buhis ng ulan, 'wag nang tumila pa.
Paano nga ba mapapawi? Labis na pagdurusa.
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka.

(Go Up lyrics is next, imma write it tom.)

SB19's Profile and LyricsWhere stories live. Discover now