Sa t'wing puso'y nagiisa,
Mayroong himig na
Kumakatok sa pinto
Ng aking ala-ala.'Di na dapat tumitig pa sa'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita.
Ang ala-ala ko'y tila bago.
Sa panaginip ko ay naroon ka.At kahit pa ang mundo ay mag-iba,
Ako'y laging nandirito.
'Di man ako para sa'yo,
Puso'y 'di magbabago.Walang iba, Walang iba.
Wala nang hahanapin pa.
Pag-ibig ko'y sa'yo,
Sa'yo hanggang sa huli.Siguro nga'y nararapat na
ika'y limutin na.
Pag-ibig ko'y isang hangin na
'di mo madarama.'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata,
'Pagkat ikaw pa rin ang nakikita.
Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho.
Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala.At kahit pa ang mundo ay mag-iba,
Ako'y laging nandirito.
'Di man ako para sa'yo,
Puso'y 'di magbabago.Walang iba, Walang iba.
Wala nang hahanapin pa.
Pag-ibig ko'y sa'yo,
Sa'yo hanggang sa huli.Kung pinagtagpo tayong dalawa'y
Para sa isa't isa.
At kung sinabi ko ang lahat noon,
Ay may magbabago ba?Sa aking bawat paghinga, dalangin ay makapiling ka.
At kung ito na ang huli,
Nais ko na malaman mo na
Mahal kita. (3x)Walang iba, Walang iba.
Wala nang hahanapin pa.
Pag-ibig ko'y sa'yo,
Sa'yo hanggang sa huli.