-----ASHLEY’s P.O.V-----
“Tol, sa tingin ko, nang dahil diyan masisira ang pagkakaibigan niyo. Worst is, lahat tayong barkada maaapektuhan.” sabi ko habang kaharap si Mark na noo’y nakatungo lang.
“Eh tol, susubukan ko lang naman siyang ligawan eh. Isa pa kaya nga ligaw para kilalanin niya muna ako ng lubusan bago sagutin.” sagot naman ni Mark.
“Wala ka ‘ring planong pakinggan ako eh no? tol bahala ka, Desisyon mo ‘yan basta siguraduhin mo lang na kung sasagutin ka man niya o hindi, hindi maapektuhan itong barkada.”
“May tiwala ako kay Kryle, hindi mo ba pansin? Si Charles nga na sinaktan siya, nagawa niya pang patawarin. At isa pa hindi ko naman siya sasaktan, mahal ko ‘yung tao eh.”
Hay naku! Itong si Mark, nagsasabi ng tungkol sa kanya na kailangan niya ng payo tapos pag papayuhan mo naman hindi rin makikinig. Buti nga siya may lakas ng loob para manligaw kay Kryle samantalang ako natotorpe. Sa oras na gusto ko ng aminin, parang kusang nagzi-zipper ang bibig ko. Mula noong naging sila ni Charles hanggang ngayon gusto ko pa rin siya. Bakit ba may pakiramdam pa ang tao na natotorpe? Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya ng harapan eh ‘di sana hindi ko na prinoproblema ‘yung nararamdaman ko ngayon.
May meeting ang barkada ngayon sa hidden base namin. Mula ng mabuo ang barkadang ito, dito na kami palaging nagkikita kita dahil iba’t iba kami ng paaralang pinapasukan namin. ibig sabihin pupunta ang lahat ngayon including Kryle, siya ang pinakahuling dumating ditto dahil sa malayo ang school niya dito sa hidden base
“Hi! Sorry kung late ako, traffic kasi ehh.” sabi niya habang nag-aalis ng sapatos, patakaran kasi namin dito sa barkada ay rules and regulations ng bansang Japan at Korea kaya nag-aalis kami ng sapatos. Dami rin naming arte ehh no? 13 nga pala kami sa barkada. Ako, si Mark, Kryle, Charles, Yexel, Myisha, Lesley, Shin, Krea, Michael, Jam, Jessie at Roy
“Okay lang. sige na maupo ka na” saad naman ni Yexel at sumunod naman si Kryle
“Ganito, nitong bakasyon next week, gagawa tayo ng small school. Actually hindi siya lisensiyado pero itong nursery na gagawin natin ay para kahit bata pa lamang sila alam na nila kung paano maging responsible. At isa pa hindi natin kailangan ng bayad from parents. Tulong lang ‘to at pagkatapos nitong nursery na ito may 14 tickets ako papuntang Canada kaya guys sa May pupunta tayo ng Canada. minsan lang itong nursery sa isang taon mga toinks. Kaya please cooperate.” At dahil sa Canada na yun ay sumang-ayon na kaming lahat sa plano ni Yexel. After ng meeting nagsi-uwian narin kaming lahat. Sumabay nalang ako kanila Mark at Kryle umuwi dahil dun din naman ang daanan ko
“Kryle?” saad ni Mark na nasa tabi ni Kryle
“Yes?” sagot ni Kryle
“May itatanong lang sana ako.”
“Ano yun?”
“Uhmm alam kong agad agaran ito pero… Can I court you?”
“H-ha?”
“Can I court you?” pag ulit ni Mark
“Uhmm, Mark… ano kasi uhmm---” hindi na naituloy ni Kryle ang sasabihin niya ng magsalita ulit si Mark
“Hindi naman kita pinamamadali eh, pag isipan mo muna… sorry kung agad agad ha? M-mauna na ako, B-bye” saad ni Mark at agad na siyang tumakbo papalayo…-----KRYLE’s P.O.V-----
Bakit bigla nalang ‘yun natanong ni Mark? Sa oras pa na nasa likod lang namin si Ashley? Actually ayoko naman talagang saktan si Mark dahil mahalaga din siya sa akin pero kasi hindi naman siya ‘yung mahal ko eh, kundi si Ashley pero Malabo namang magkagusto sa akin si Ashley. Hindi naman niya type yung mga taong katulad ko.
Hindi ko siya kayang harapin at kausapin ngayon, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nahiya kaya naman lumakad nalang ako palayo sa kanya pero napatigil ako ng magsalita siya…
BINABASA MO ANG
Friendship (ONE SHOT)
Romancekakayanin mo kayang magparaya?? kakayanin mo kaya siyang ibigay? kahit pa sabihin nating may tiwala ka sa kanila? dito mo makikita ang tunay na magkakaibigan.