Basahin niyo po lahat dahil ito po ay MAHALAGA. Every word.
Yung comment nyo po dapat malaman! Tanong niyo nalang po sa magiging ka-partner niyo kung gusto niya ng harsh comments o hindi. Umayos po tayo, lahat tayo dito writers at alam natin ang kaibahan ng 'malaman' sa 'may mai-comment lang'.
I-point out din natin ang mga mali ni partner para mag-improve at mas lalong maging maayos ang ating story. It would be better kung corrections and advices yung iko-comment para makatulong sa pag-improve ng storya. Sana po may sense.
"Sana po may sense" means, huwag magko-comment ng "good job..." "nice..."etc na ang sasakit sa mata. Isa-puso po sana natin ang pagko-comment para ganahan ang author sa pagsusulat.
Ilang comments po ang kailangan? Atleast 2 comments PER CHAPTER at 1 comment sa prologue.
Mga mahal ko, ATLEAST po ang sinabi ko. Iba po ang 2 comments sa "atleast" 2 comments :) Hindi ko po kayo binabawalan na hindi mag-comment ng tatlo pataas. Kayo po ang bahala. Kung deserve niya iyon at ganun ang reactions nyo sa part/scene na iyon eh di GO!
Ang akin lang ay hindi bababa sa dalawa ;) para masaya tayong lahat~
At ang pinakamahalaga sa lahat, Enjoy reading. Kung may scene o part kayong nagustuhan at gusto niyo magcomment ng Hahaha! Grabe author napatawa mo ako dito, wahh! nakaktakot. etc. IT'S OKAY!
Basta ang pinaka-point ko lang ay huwag bababa sa dalawa ang comment niyo every chapter at PLEASE yung comment na makakatulong sa partner niyo.
Seryosong usapan, based on my own experience, pag masipag ka magcomment sa partner mo, sisipagin din siya sa pagko-comment sa story mo :)
Kaya, huwag kayong magdalawang isip mag-comment ng mag-comment kasi pwedeng maging way pa yun para maging friends kayo diba?
Huwag yung, "Ay. Dalawa lang kinomment niya sa'kin kaya dalawa lang din ang iko-comment ko sa kaniya. *insert evil laugh here*" Ok. I know ang OA pero umamin kayo, ganyan kayo diba? XD
Let me tell you a story about myself, siguro inosente pa ako nun sa kahalagahan ng comments and votes kaya todo-todo lang ako mag-comment sa partner ko. Alam niyo, nahiya siya bigla sa'kin. XD HAHAHA! Binura niya lahat ng comment niya sa story kong tipid at konti saka niya pinahaba at dinagdagan pa! More comments like me~ See? Na-gets niyo pinaglalaban ko dito? :)
***
Di ba nabasa niyo na ang Rules and Mechanics natin? Ok. Paghindi niyo po ginawa ang mga steps na iyon kabilang na ito ay bibigyan ko po kayo ng 3 warnings. Report to me a complaint (kung meron) sa partner niyo at kakausapin ko. Pero syempre, bago ka dumulog sa akin, sabihan mo muna ang partner mo, okie? :)