Kelan co kaya makakasalubong
Lalaking sa aki'y magpapasilong
Mag aalaga at bubulong
Ng pagsintang di lasang bagoong
Oh kay tagal nang ako'y naghihintay
Sa tamang florante na saki'y mag aalay
Ng bulaklak na tunay at di pampatay
At ibubuwis maging ng kanyang buhay
Mabuti pa ang prinsesa sa aklat na nabasa
Kay tagal nahimlay tila wala nang pag asa
Sa kanyang pagpikit isang halik ang tinamasa
Na puno ng pagsinta walang halong pagnanasa
Maging ang dalagang naging bilanggo
Sa taas ng tore'y di makatakbo
Isang binata ang sa kanya'y nagsuko
Ng kalayaang magtungo saanmang dako
Sila'y bahagi ng aking pagkabata
Na hanggang ngayo'y ginugunita
Sa pag asang balang araw ay makakakita
Ng makakasama hanggang sa aking pagtanda