Chapter 4 - Wasted Memories

456 42 36
                                    

A/N: Hii, alam kong wala pa masyadong nag su support sa story na to, alam ko naman po kasi na hindi ako magaling, beginner pa lang po ako, kaya pagpasensyahan na. Pero I assure all of you po, na hindi ako katulad ng ibang author na mag u update lang pag may nag comment at nag vote na sa story nila, kahit po walang mag comment or vote, mag u update at mag u update padin ako *u* Yun lang naman po, thaaankyou.

Dedicated kay whenitcomestolove hi po, love na love ko po mga stories niyooo *u* <3

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn's POV

"Sorry?" Sabi niya...

"Kath! Alika na!" Sigaw ni Julia

Hindi ko siya pinansin, andito siya... Binunggo niya ako...

"KATHRYN! UUWI NA TAYO" Sigaw din ni Sofia

Tinititigan ko lang siya, my heart, beating faster than ever, bakit? Kasi andito nanaman siya..

Andito ang first love ko.

~o~o~o~o~

Author's POV

Sooo ako muna mag na narrate ha? Hihi sige,

"Sorry?" Sabi niya, ng pesteng lalaki na nanakit kay Kath, four years ago.

"Kath! Alika na!" Sigaw ni Julia, pero hindi tumingin si Kathryn sakanya, 'Lintek Kath, uuwi na tayo! Halatang gulat siya dahil nakita niya ulit siya, yung lalaking yun! Nang gigigil ako!' Isip ni Julia.

"KATHRYN! UUWI NA TAYO" Sigaw din ni Sofia, nagaalala na din siya, kasi Alam nila na anytime soon, pwedeng mahimatay si Kath or what.

Ayaw ni Kath umalis, nakikipag titigan lang siya kay Khalil, ang first love niya...

*Flashback*

Five years ago

"Bes, Kahit anong mangyari andito ako para sayo ha? As a bestfriend, kahit na magkaroon ka ng boyfriend, andito padin ako ha? I'm really happy for you bes." kausap ni Julia ngayon si Kath, nagtataka siya dahil bigla niya nalang nasabi yun, syempre surprise kaya di niya alam, surprise nga eh! Anyways, hinug na lang ni Julia si Kath. Alam ni Julia na may gusto si Kath kay Khalil, syempre guy bestfriend niya yun eh, lagi siyang nandiyan para ipagtanggol siya, para icomfort, at ngayong araw na to, magbabago lahat. Bakit? Kasi-- *bzzt* *bzzt* 'oh may nag text' Iniisip ni Julia. Pagtingin niya,

From... Khalil
Juls, ready na ang garden, simulan na natin yung surprise, sige thankyou.

'Ayan na, sisimulan na namin, sana sumaya si Kath. I'm really really happy for my bestfriend. Sana lang, wag siyang saktan ni Khalil, kundi sasampalin ko talaga yung lalaking yun!' Sabi ni Julia sa sarili niya.

"Waaah! Anong ginagawa mo bes?" Linagyan kasi siya ng blindfold ni Julia,

"Ganito bes sundan mo ako ha? Aalalayan kita" tumango na lang siya, pumunta na sila sa school garden habang inaalalayan siya ni Julia. May parang gate dito, tinakpan nila yung gate, kaya hindi kita yung nasa loob, inayos nila sa loob eh.

"Andito na tayo bes at pwede mo ng tangalin yang blindfold mo" sabi ni Julia, tinaggal niya naman, halatang nagtataka siya kung bat andun sila,

Falling For You (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon