Chapter 5

2 0 0
                                    



Tawag na ng tawag si Tenya sa phone ko. Baka kanina pa ako inaantay nung mga yon. Ako kasi talaga pinakalate lagi sa aming magtotropa, sanay na sila don, sanay na rin ako sa mga sermon nila.

Nakasuot ako ng highwaisted shorts at plain white gucci oversized shirt. Tinuck in ko yon pero medyo loose. Naka nike lang ako na sapatos na kulay white rin.

Nagchat si Cram sa akin, galit na. HAHAHA... nakasakay palang ako sa jeep at medyo traffic, pero malapit naman na ako.

Tsaka ko lang sinagot ang tawag ni Tenya nung nasa gate na ako mismo ng Au hehe.

"San ka teh punyet—" nilayo ko muna sa tenga ko ang phone ko dahil mga ilang minutong pagbubunganga ang maririnig ko.

Nakita ko silang nag aabang sa may entrance mismo ng campus ng Au. Kailangan nga pala muna ng tickets. Nakasimangot silang dalawa at sabay pa silang pinakyu ako. Mga leche! Nasa akin ticket nyo!

May mga nakakakilala sa akin na nagtanong kung mayroon ba akong extra ticket kaya binigay ko na yung iba. Bale isa nalang extra ticket na meron ako.

Pumasok na kami sa may iniayos na barricade na nagsilbing hallway. Hiwalay ang lalaki at babae. Bawal rin pala magpasok ng mga make up, powder, mga matutulis na bagay etc. Buti nalang at okay na ako sa lipstick na suot ko,superstay to ng Maybelline. Medyo brown ang shade ng lipstick ko pero bumagay yun sa kulay ng balat ko.

"Teh may dala akong baril eh pano to?" Pabirong tanong ni Tenya sa akin. Mukha talaga syang nag aalala. Kung di ko tropa to, naniwala na ako.

Ako naman ay sinakyan ang trip nyang walang kwenta dahil ang haba ng pila. "Hala ka! Tanong mo kay Cram! Hala sis paano ka mkakapasok nyan huhuhu"

Nagmukha kaming tanga pero okay lang puro kame tawa. Hindi namin namalayan na kami na pala ang next in line. Tinatakan ang braso namen ng color neon green na medyo maliit na bilog. Para kapag lalabas kami, may sariling line na yung mga may tatak.

Papasok na sana ako nang may biglang tumawag sa akin.

"Chezka?" Nilingon ko kung sinong tumawag sa akin. Gabi na at puro ilaw nalang ang nagbibigay ng liwanag, malabo pa mata ko leche!

"Tenya sino tumawag sa akin?"

"Ewan ko teh di ko narinig, tagal ni Cram bwiset! CRAM!!" Tinatawag na nya si Cram sa kabilang linya at mukhang hiyang hiya na sa pagsigaw sigaw ni Tenya. Sa pila kasi ng girls pumila si Tenya at pinagbigyan sya kaya kasama ko sya.

"Chezka!" Agad kong nilingon ang tumawag sa akin. Pinagsingkitan ko pa sya ng mata para makikala kung sino sya.

"Hala si Andrei" nagpanic agad ako at pinag akyatan ng dugo sa mukha. Shet sana wala sya dito....

"Sinong Andrei teh? Yung tropa ng magaling mong ex?" Tinignan ko si Tenya at pinakita sa kanyang nabalisa ako. Sakto naman at dumating na si Cram.

"Hoy kita ko ex mo"

Nanlaki ang mata ko at nag ikot ng tingin sa paligid. Nang wala akong napansin ay biglang nagturo si Cram. Nakita ko roon ang ex ko.

"Pakshet si Tj" napatulala pa ako saglit doon at ginising ko ang sarili ko. Ghorl matibay ka, MAGANDA KA GHORL KAYA MO YAN...

Pinalalakas ko sa sarili ko dahil sa nakapanghihinang katotohanang nakita ko ang ex ko.

"Anggwapo talaga ng ex mo teh kaya di ako magtataka kung yayakapij mo sya ngayon" pagbibiro pa sa akin ni Tenya.

Gwapo naman kasi talaga yung ex ko. Lalaking lalaki tignan. Moreno sya at matangkad. Ang kapal ng kilay nya at napakaganda pa ng korte, sana all. Makapal ang labi nya ngunit bumagay iyon sa mukha nya. Mas clearskin pa nga sya sakin eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A LITTLE BIT OF FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon