Maligno.

31 3 1
                                    

Minsan nang niligaw ang mga paa sa gitna ng kadiliman,
Minsan na ring binulag ang mga mata nang sa hindi na masilayan,
Sinubukang manhirin ang mga kamay nang sa hindi na maramdaman,
Pilit na nilalapit ang mga palad sa tenga nang sa ito'y matakpan.

Dahil ikaw.
Patuloy na binabagtas nang aking mga paa ang iyong direksyon.

Dahil ikaw.
Imahe mo parin ang nakikita nang aking mga mata ngunit tuwang tuwa pa sila.

Dahil ikaw.
Sa pagyakap mo saakin ay bakit mas hinihigpitan ko pa.

Dahil ikaw.
Gabi gabi akong minumulto ng iyong boses ngunit musika pa sa kanila.

Ayaw kitang mawala.
Ayaw kitang lumisan.

Ngunit mapanira talaga ang oras sa mga bagay na hindi natin inaalagaan.
Tinatalo tayo ni tadhana sa mga sandaling hindi natin inaasahan.

Naglaho ang aking takipsilim na pahinga  kapag galing sa initan.
Ang aking balsa kapag maglalayag sa karagatan.
Ang aking ulan sa nanunuyot kong sakahan.
Naglaho na sila;

Ngunit nakaukit parin ang mga ngtiing tila'y imbitasyon sa iyong kaluluwa,
Mga yakap na lumapnos saaking balat,
Mga matang mistulang tahanan ng mga bituin.

Nakaukit pa sila ngunit ayaw ko silang paslangin.

Kaya't ito na, ang huling lipon ng mga tugma na aking ililimbag,
Paalalang huwag magbabaon ng espada kundi isang kalasag,
Huwag matatakot na muling magtiwala basta't tama lang ang ilalapag.

Hanggang kailan ka pa ba magiging duwag?

Hanggang kailan ka pa ba magtatago?

Napatawad ka na niya ngunit paano ang mga malignong iyong itinago?


MalignoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon