Sinilid sa pinakamadilim kong sulok,
At subukang kalimutan kung saan ko siya niluklok.
Magpanggap na ni minsan ay hindi ko ito naramdaman,
Ni minsan ay hindi ko 'to nakita,
Ni minsan ay hindi kita nahagkan.Tinalikuran at naglakad nang ang mga mata'y nakapikit,
Dali daling tumungo sa liwanag,
Na tila'y isang nobyo sa kanyang unang halik,
Tinatapyas ng sinag ang mga hanging malamig,
Naputol na, ang mga kadenang nakakabit.Ngunit bakit ang pagtapak ng mga paa ay pilit,
Paano ako makakatakas kung lagi akong lumilingon pabalik?Paano ako makakatakas kung sa liwanag ay may mga rehas pa palang naka abang?
Malaya, ngunit ang mga destinasyon ay bilang,
Ayoko nang bumalik sa dilim na puno ng nilalang,
Nakaharap ako sa liwanag ngunit ang kadiliman ay lamang.Hinila niya ako pabalik kung saan ko siya kinulong,
Pinakinggan ko siya ngunit nakakabingi na ang kanyang mga bulong,
Ang mga paang minsang naakit sa iyong direksyon,
Ngayo'y naglalakad nang paurong,
Sa kanyang pagyakap ay nais ko nang kumawala,Minulat ang mga mata;
"Gusto na kitang mawala."
BINABASA MO ANG
Maligno
PoetryMasikreto tayo pagdating sa mga tinatago nating maligno. Nasusugatan ka sa paghawak ngunit ayaw mong bitawan. Nais mong maging malaya ngunit ayaw mong pakalawan. Nakakabingi pero patuloy mong pinapakiggan.