Tulad ng iba para
mag-blog,
re-blog
at maglabas ng kanilang tunay na nararamdaman.
And of course to gain more friends from Tumblr world.
Tumblr is my bestfriend for more than 3yrs.
Naging karamay ko ito nung mga panahon na mas madalas akong umiiyak.
Matagal din akong naging in-active dito,
mga isang taon din ata yun.
Kasi ang dami daming ginagawa sa school ganon. Hmm Pero…
Hindi man ako ganun kagaling
o talagang walang galing magblog at least dito nasasabi ko yung tunay kong nararamdaman na hindi ko masabi sa iba.
Dito sa tumblr kahit ano naeexpress ko.
Nakakapag-blog din ako dito tungkol sa taong mahal ko ng walang nakikialam.
Ito ang nakatago kong mundo.
Kung meron man nakakaalam nito sa mga kakilala ko siguro yung mga meron ding tumblr account.
Basta promise ko sa aking sarili,
hinding hindi ko idi-deactivate ito.
Gusto ko kasi hanggang sa pagtanda ko may munting alaala akong babalik balikan dito.
Na minsan ang Tumblr ay naging bahagi din ng buhay ko.
At kung maari nga sana pati mga magiging apo ko malaman nila yung mga kabaliwan at kalokahan ko.
At sasabihin nilang “pasaway pala ang lola ko” :)