Sana sa muli nating pagkikita, hindi ko na mararamdaman yung sakit ng nakaraan, yung sakit nung iniwan mo ako, yung sakit na iniwan mo kong luhaan, yung sakit na iniwan mo kong walang sagot sa tanong ko na "Bakit? Di pa ba ko sapat?",
Kaya kitang patawarin sa lahat ng iyong nagawa, pagloloko at pananakit sa akin. At kung dumating man yung panahong kailangan na kitang bitawan. Hindi ako magda-dalawang isip na palayain ka. Dahil alam kong mas masaya ka sa kanya. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga alaala nating dalawa. Alaala nating noong tayo'y masaya pa. Alaala nating noong hindi mo pa ako iniwan. Alaala nating dalawa na ako lamang ang nakaka alam.
Sana masaya ka na sa piling nya. Dahil alam ko kaya ka umalis sa piling ko dahil alam kong hindi ko kaya ibigay yung sayang nabibigay niya sayo. Salamat na lang sa mga alaala natin.
BINABASA MO ANG
Quotes and Spoken Poetry about LOVE
PoetryQuotes about love with a mix of Filipino and English #14 in Spoken (05/23/19) #15 in Spoken (07/11/19) #3 in Spoken (09/09/19) #12 in Spoken (11/10/19) #10 in Spoken (11/16/19)