PROLOGUE :>

830 9 9
                                    

"To love is nothing. To be loved is something. To love and be loved is everything."

Nothing compares to the feeling when you've found the other half that will spend the rest of their life with you. The one who will cherish you until the end. Lucky are the ones who meet their match.

But for Jeyelle Kane Ortenzio who doesn't believe in the idea of love, she looks to it as if it's just a game. What she wants, she gets. Parang magnet dahil isang tingin pa lang hulog ka na agad sa bitag. And, a certified heartbreaker. She treats boys as clothes. Pag nagsawa na, palit na agad. Daig pa ang artista kung magpalit ng damit. Ganyan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala siyang ginawa kundi manakit ng damdamin ng iba.

Until..

"Maligayang pagdating Jeyelle."

"Nasan ako? Bakit parang pamilyar ang lugar na to? Nakita ko na to eh. Parang nasa--"

"Oo. Tama ang iniisip mo. Ngunit, di ka maaaring makapasok dito."

"Ha? Eh dito naman napupunta lahat diba? Bakit hindi mo ko papapasukin?"

"Pero hindi sa kaso mo. Marami kang sinaktan. Hindi mo pinahalagahan  ang damdamin nila. Masyado kang  naging makasarili. Inisip mo lang kung anong makakapagpaligaya sa'yo."

"Hindi ko naman kasalanan kung nasaktan sila. Di ko sila pinilit. Sila tong naghahabol. Kung tutuusin, mabait pa nga ko eh kasi pinagbibigyan ko sila. Di pa ba sapat na dahilan yun para papasukin mo ko?"

"Masyado kang mapagmataas. Di ka nababagay dito. Doon ka nararapat."

Lumingon si Jeyelle sa direksyon na itinuro ng lalaki. Nagimbal siya sa kanyang nakita. Alam nya sa sarili nya kung anong lugar yun.

"T--Teka! Ayoko mapunta sa lugar na yun."

"Ngunit ikaw ang lumikha ng kapalaran mo."

"P--Pero. Di to maaari. May ibang paraan pa ba para di ako mapunta doon?"

"Meron."

"Ano?"

❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ - ❤ -

A/N: Ayos po ba ang simula? Matagal ko na tong binuo sa isip ko at ngayon lang naipublish. Sana magustuhan din nyo tulad nung mga iba kong stories :) anyway, wala pa pong specific date kung kailan ko ulit iuupdate to. May ongoing story pa kasi ako eh. Kaya, bahala na si batman. HAHA :> malay nyo naman sipagin ako :bd OH WELL PAPEL. Thank you for reading! <3

© MissHplssRmntc

50 Days To Win Your Heart (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon