PAGMAMAHAL EDISYON

66 0 0
                                    

ALAM MO BA KUNG BAKIT?

Maraming tanong sa bawat isipan ang nais mong masagot. Sa sobrang rami akala mo ikaw na ang may pasan ng mundo.

Hindi mo namamalayan, nasasayang na ang oras at panahon mo.

Na sana hindi ka nalang nagmahal. Na dati'y masaya kang namumuhay nang di mo pa siya kilala. Pero may HALAGA ang bawat pangyayari. upang matuto at maging masayang lubos.

ALAM MO BA KUNG BAKIT ka nagmamahal?

Nagmamahal ka dahil sa gusto mong ikaw ay mahalin rin.

Kahit sa mga simpleng bagay na nangyayari sayo ay isang masayang pagkakataon na.

Sa bawat pag-ngiti mo'y may kahalong tuwa at saya dahil sa lubos kang nagmamahal.

Ngunit bakit ka nga ba nagmamahal?

Para saan ang pagmamahal na inilalaan mo?

Nagiging masaya ka bang mahalin siya, pero sa pagkakataong iyon.

IKAW LANG ANG NAGMAMAHAL.

ALAM MO BA KUNG BAKIT ka nakakaramdam ng kaba?

Ito ay dahil sa alam mong may mahalagang tao sa iyong buhay na sobrang importante.

Sa mga bagay na inyong pinagsamahan ay lubos kang sumasaya.

Hindi dahil sa pagkakataong ikaw ay pressured na magmahal.

Pero dahil sa takot ka na mawala siya.

Na hindi mo makakaya ang mag-isa.

Mangyari ang hindi mo inaasahang hindi mo na siya makasama.

DAHIL MAY MGA BAGAY NA DAPAT HANGGANG DITO LANG.

ALAM MO BA KUNG BAKIT ka nalulungkot?

Nararamdaman mo ito dahil sa pagka-miss sa isang tao.

Sa mga pangyayaring nais mong gawin ng kayong dalawa.

Gawin ang mga bagay-bagay na masaya at halos kulang ang isang araw.

Sa lungkot na nararanasan mo.

Hindi mo na alam ang gagawin mo.

Halos hindi na tama ang nangyayari sa buhay mo.

DAHIL HINDI MO NA NAPAPANSIN ANG SARILI MO.

ALAM MO BA KUNG BAKIT ka nasasaktan?

Nararanasan mo ang masaktan dahil may bagay na nalaman ka.

Sa mga bagay na lubos kang naguluhan at hindi makapagdesisyon ng tama.

Wala na sa ayos ang iyong pag-iisip.

Sa sakit na naramdaman mo.

Sa halo-halong pag-iisip na naiisip mo.

Alam Mo Ba Kung Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon