Chapter II

6 1 0
                                    

Chapter II

"We can't fully love someone if we can't fully love ourselves first because we tend to find that person who can fill the love that we have but what if that certain person leaves, then you'll be empty again because the one who fill the jar of your love is the one broke it also....














...ang ganda ng ginawa kong quote diba ate?"

Nagsalubong ang kilay ko at binato ng unan si Hero. Kanina pa siya nakaupo sa sahig at nagsusulat ng kung anu-anong quotes sa notebook niya kaya di ako makapagfocus sa paglalagay ng mga corrections dahil sa ingay niya.

"Tumahimik ka nga muna Sephero, nangagalaiti na ako sa'yo baka mapalayas kita." Banta ko sa kanya.

"Nagtatanong lang naman ako ha? Ba't ba galit ka? Affected ka ba, ha?"

Kaya walang pagdadalawang isip ko siyang pinuntahan at kinagat ang braso niya. Napahiyaw siya sa sakit at tumayo para magsumbong kay Mama. Luh, pababy.

Nang matahimik ang sala sandali ay agad ko ding tinapos ang ginagawa ko dahil baka hindi ko na ito matapos sa kaingayan mamaya pagbalik ni Hero.

Nagulat ako ng may naglagay ng box ng donuts sa mesa habang seryoso ako sa ginagawa. Pang-angat ko ng tingin ay agad akong napatayo at nagmano ng makitang si Daddy yon. Hindi ko man lang naramdamang bumukas ang pintuan.

"Masyado kang seryoso nak."

"Wala e, teacher anak niyo Dad, e." Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko bago nagpaalam na magbibihis daw muna siya.

"Nga pala Dad, huwag mong pansinin si Hero pag may isinumbong siya sa'yo." Sabi ko bago siya tuluyang umakyat. Tumawa lang siya at tumango.

Nakita ko pang nakasalubong siya ni Hero habang nasa hagdanan kaya agad siyang inakbayan ng loko at sinamahan pataas. Nang-aasar pa siyang tumingin sa akin bago sila tuluyang makaakyat.

Tumaas ang gilid ng labi ko. Ako ang nauna, kala mo lang.

Nang matapos ako ay humiga ako sa sofa. Habang namimili ako ng panunuorin ay naririnig ko ang reklamo ni Hero sa taas dahil ayaw maniwala ni Daddy sa kanya, buti nga sayo boy.

Napatingin ako sa kanya ng padabog siyang bumaba ng hagdan at inirapan ako bago umupo sa katabi kong sofa.

"Anong mukha yan Sephero?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Manahimik ka ate." Sagot niya sabay kuha ng donuts na bigay ni Daddy.

Hindi ko na siya pinansin at tahimik nalang kami nanuod ng movie. Nang hindi niya nagustuhan ang pinanuod ko ay siya naman ang nagbato sa akin ng unan.

"Ano ba namang palabas yan ate! Matutulog na nga lang ako." Sabi niya at tumayo pero bago pa siya makaalis ay kinuha niya ang box ng donut kaya asahan niyo ng nagaway na naman kami bago siya tuluyang makaakyat.

Excited akong bumangon kinabukasan. Heto yata ang unang beses na naexcite ako gumising ng Lunes dahil hindi ko muna alalahanin kung paano pagtiisan ang kakulitan ng mga estudyante ko kasi magbabakasyon ako.

Mga 11:00 ng umaga ang flight namin kaya kahit 6 palang ay naghanda na ako dahil 7 ang usapan namin. Susunduin lang nila ako dito sa bahay para hindi na kami kanya-kanya papunta ng airport.

Wala pang alas syete ako natapos mag-ayos kaya bumaba muna ako at kumain. Tulog pa si Hero kaya si Mama at Daddy palang ang naabutan ko ng pumasok ako sa kusina.

Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi bago umupo sa harapan ni Mama at kumuha ng pagkain. Saktong pagkatapos kong magtoothbrush ay narinig ko ang busina sa labas.

"Ma, Dad, una na po ako." Paalam ko sa kanilang dalawa.

"Mag-iingat ka doon." Paalala ni Mama. Tumango lang ako at isang beses pa silang hinalikan sa pisngi sabay dali-daling sumakay sa Pick-up nila Tesha. Bumati ako sa driver nila bago tuluyang sumakay.

Mag-aalauna na ng makarating kami sa probinsya kung saan nakatira sila Tita. Napili namin to dahil gusto namin na malayo sa naglalakihang buildings at polluted na hangin. Gusto namin makalanghap ng sariwang hangin at may malapit din na resort sa bahay nila kaya ayos na ayos.

Hindi ito ang unang beses na pumunta ako rito pero naeexcite parin ako.

"Ang sarap ng hangin parang ang fresh ko girl." Sabi ni Xian pagbaba namin ng bus na naghatid sa amin galing airport.

Agad siyang binatukan ni Tesha kaya napailing nalang ako.

"Anong sasakyan natin papunta sa kay Tita mo, bakla?" Tanong ni Fritzie.

Tinuro ko ang nakaparadang mga tricycle kaya agad silang tumango. Agad naman naming inutusan si Xian na kumuha ng dalawang tricycle, isa para sa amin at isa para sa mga gamit namin.

"Salamat mga Kuya." Sabay abot ni Tesha ng bayad sa kanila.

Nilibot namin ang tingin namin sa nagtataasang puno at bulaklak na nakapaligid sa bahay ni Tita Amaya. Para siyang mini forest kung titignan galing sa labas ng gate nila.

"Mga anak ko!" Sabay-sabay kaming napatingin sa sigaw ni Tita. Agad nanlaki ang mga ngiti namin at isa-isa niya kaming niyakap.

"Ang gaganda naman ng mga eto, o!" Sabi ni Tita.

"Ay of course tita." Sabay ipit pa ni Fritzie ng buhok niya kanyang tenga kaya inirapan namin siya.

Dinadaldal kami ni Tita habang papasok sa bahay nila. Malaki pero simple lang ang bahay niya. Bahay pa ito ng Lolo at Lola ko kaya medyo may pagka Spanish Era pa yung istilo. Ang mga bulok lang yata na mga kahoy ang pinaiba ni Tita.

Pagpasok namin ay sinalubong agad kami ng mga kasambahay ni Tita at dinala ang mga gamit namin sa kwarto habang kami ay nandito sa kanilang sala. Wala ang asawa niya dahil nasa Canada nagtatrabaho at inaalagan ang branch ng kompanya namin doon, ang kasama niya lang dito ang ang nag-iisa niyang anak na lalaki na si Dery. Isang taon lang yata ang tanda ko sa kanya at medyo close naman kami pero hindi ko siya nakikita dito ngayon.

"Tita, si Dery po?" Tanong ko pagkaupong-pagkaupo namin sa sofa.

"Ah, nasa trabaho pa pero uuwi din yon mamaya." Sagot ni Tita habang inaayos ang pinadala niyang baso at juice sa mesa.

Tumango lang at ngumiti. Matik na yata na lumalaki ang tenga ni Fritzie pag nakakarinig ng pangalan ng lalaki kaya umayos siya ng upo at di napigilang magtanong.

"Sino po si Dery tita?"

"Anak ko, pinsan ni Seleiya."

Agad siyang napatingin sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Ba't di mo sinabi sa akin na may pinsan kang lalaki?" Pagalit kunwari niyang tanong sa akin.

"Kasi alam kong haharutin mo." Sagot ko sa kanya. Tumawa kaming lahat kaya napasimangot si Fritzie.

"Ang sama mo, tse."

Umiling nalang si tita na may multo parin ng ngiti sa labi. "Di bale pagkarating niya, ipapakilala kita." Agad naman kuminang ang mata ni Fritzie dahil sa sinabi nito.

"Talaga tita? Aasahan ko yan tita ha? Wag mo kong pinapaasa." Sabi nya sabay yakap niya pa kay tita, tingnan mo 'tong babaeng to parang ang tagal na nila magkakilala ni tita, feeling close mayado. "Magkakalovelife na ako guys, kayo manantili kayong single." Pang-iingit niya pa sa amin.

"Anong kami? Bakit asan ba si Cody mo Iya? Naghiwalay na ba kayo?" Takang tanong ni Tita sa akin.

Nagulat kaming apat at sabay na napatikhim silang tatlo.

"Isang beer nga diyan, Tesh." Sabat ni Xian.

"W-wala na po kami tita." At mapait na napangiti.

Hindi nga naging kami tapos maghihiwalay pa? Ang labo.

Pero oo nga pala, ba't ang tanga ko makapili ng babakasyonan. Dito pa talaga kung saan nangyari ang lahat.

Kung nagsimula at nagtapos ang lahat...

Unwanted TravailWhere stories live. Discover now