Chapter III

5 1 0
                                    

Chapter III

Bored akong tumitig sa labas ng bahay ni Tita. Iniwan kasi ako nila Mama at Daddy dito dahil may problema daw sa negosyo namin at kailangan nilang ayusin. May nangtatangka sa kanila kaya para maging safe ay dito nila ako pinadala. Nag-aalala nga din ako sa kanila pero sabi naman nila ay mga mag bodyguard naman daw sila kaya medyo nabawasan ang pangamba ko.

Ayos lang din naman sa akin na dito muna manatili dahil bakasyon naman namin. Gusto ko rin talaga na dito magbakasyon para ma destressed ako sa buhay kolehiyo. Magfo-fourth year college na ako at Secondary Education ang kurso na kinuha ko. Gusto sana nila Daddy na mag Entrep ako pero ayoko dahil wala naman akong planong magtrabaho sa kompanya namin, kaya na ng kapatid ko yun. Nasa America siya ngayon dahil doon niya napili na magbakasyon tsaka mas ligtas naman siya don.

Napabuntong hininga ako bago ko napagdesisyunan na lumabas ng kwarto. Tamad akong bumaba at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Wala si Tita at Dery dahil may pinuntahan sa City kaya ako lang at ang mga kasambahay ang naiwan dito.

Habang tumitingin ako sa ref ay naramdaman kong may nakasunod sa akin kaya agad akong tumalikod upang makita kung sino. Muntik ko ng mahulog ang dala kong baso sa gulat ng may nakita akong lalaki na parang nag-aabang na matapos ako sa ginagawa ko sa ref. Bago lang siya sa paningin ko dahil wala naman akong natatandaan na hardinero or driver ni Tita? Kaya sino 'to? Wag naman sanang magnanakaw.

"Kuya? Sino ka?"

Tanong ko habang tinitignan siyang prenteng-prenteng kumukuha ng tubig sa ref. Napataas ang kilay niya sa tanong ko kaya bahagya akong nakaramdam ng takot. Aba'y ang sungit natin kuya ha?

"Cody." Tipid niyang sagot at umalis na may dala ng isang basong tubig.

Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumabas siya ng bahay. Teka, ba't ba kasi siya nandito?

Nacurious ako kaya sinundan ko siya palabas. Muntik na akong matapilok ng nakita kong tumingin siya sa akin paglabas ko ng pinto. Agad din niyang iniwas ang tingin sa akin at nakipag-usap sa iba pang mga lalaki, nakaupo sila sa tambayan malapit sa pool nila tita. May kasama siyang dalawang lalaki na ngayon ko lang din nakita. Hindi naman sila katandaan pero sigurado akong mas matanda pa talaga sila sa akin.

Isa-isa ko silang tinitigan at siningkitan ng mata. Kahit pa mga may itsura sila hindi parin ako pwedeng pakampante baka mamaya manawakan pa kami nako lagot pa ako kay tita.

"Sino ho kayo kayo? Ba't ho kayo nandito? Naliligaw ho yata kayo?" Malumanay kong tanong sa kanila baka kasi saktan nila ako o ipdakip pag nagsungit ako.

Gulat silang napatingin sa akin at isa-isang nagpigil ng tawa.

"Bakit po?" Taka kong tanong.

Napakamot ng ulo ang isa sa kanila bago tumayo at lumapit sa akin. Bahagya naman akong napaatras sa takot.

"Woah! Chill Seleiya, di ka namin sasaktan." Sabay ngiti neto sa akin.

Mas lalo akong nabahala ng alam niya ang pangalan ko. Ba't niya alam? Tsaka, sino ba siya para ngitian ako?

"Paano niyo po nalaman pangalan ko? Pwede ko din po bang malaman ang sa inyo, para po alam ko kung anong pangalan ang ilalagay ko kung ipapakulong ko po kayo." Pananakot ko sa kanila.

Agad silang tumawa and I even saw the guy earlier smirked.

"Don't worry Seleiya, pulis ako, sa akin ka nalang magreklamo." Sabi ng lalaki na katabi noong Cody. Siya palang naman ang nagpapakilala sa akin kaya siya palang kilala ko.

Agad akong nanlamig ng malaman na pulis siya at mas lalong kinabahan. Napaisip ako agad sa mga kasalanan na nagawa ko pero wala naman akong natatandaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwanted TravailWhere stories live. Discover now