"Ahh.. Eh thank you :)"
Yung smile nya, heaven! Ang ganda niya talaga. Kilig kilig. Ang gay ko na. Sorry po.
"Wala yun, pwede bang.."
Sht! Sasabihin ko na ba."Pwede bang maging.."
Okay. Sasabihin ko na."Pwede bang maging girl.."
Oh eto na.
"Pwede ka bang maging kaibigan?" Mabilis na pagkakasabi.
Guys! Nasabi ko na. Akala nyo girlfriend agad. Wait lang. Chill. Hindi naman ako ganun.
Oo, playboy ako. Pero pagdating sa kanya. Ewan ko ba, natotorpe ako.
Inimbitahan ko siya sa isang café. Mukhang mahilig kasi siya sa ganung place base sa mga post niya sa social networking sites.
Nagtanungan kami tungkol sa personal life, sa school, sa likes and dislikes, mga tanung na tinatanong sa unang pagkikita.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Tama nga siya may pagkasadista, makulit at masiyahin siya pero Hindi naman siya maarte eh para nga 'tong lalaki. Mas naturn-on lalo ako sa kanya.
Paano ko nasabing sadista?
Paano ba naman, sinabihan ko lang siya na "ang ganda mo lalo ngayon" hinampas na agad ako. Wag daw ako magjoke ng ganun tapos tumawa na siya ng tumawa. Kapag tumatawa siya siya sa mga sinasabi ko lagi akong hinahampas sa balikat. Hay sadista pero kahit ganun skinship din yun. Hahaha.
Paano ko nasabing makulit?
Paano ba naman may pinakita siyang picture ng mga kaibigan niya tapos sabi niya sino maganda diyan. Sabay tawa niya. Sabi ko yung babaeng nakacolor red na crop top. At pagkatapos kung sabihin yun wala kinulit na niya ako ng "ui ui ui, crush mo yun nu, type mo no, liwagan na yan. Pakilala kita? Number? Facebook? Twitter? Instagram? Gusto mo? Bigay ko sayo. Yieeee"
Paano ko naman nasabing masayahin?
Hindi pa ba halata. Walang oras na hindi siya tumatawa o ngumiti. At dahil dun, mas lalo akong nafall sa kanya. Hindi mo mabura sa kanya yung mga ngiting yun, ang sarap niyang alagaan. Ang hirap nyang saktan.
Siguro naka1hour kami sa café na yun. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao dahil sa sobrang saya namin. Nakakahawa kasi yung ngiti at tawa niya.
After nun, naglakad lakad kami sa park. May isa pa akong nalaman tungkol sa kanya parehas kaming mahilig sa bata. Ayun, nakipaglaro siya dun sa batang lagi kong kausap kapag malungkot ako. Ang saya niya tingnan para siyang ANGHEL na bumaba sa langit na nawalan ng pakpak. Hay Shai!
Treasured na araw 'to. Hindi ko 'to makakaimutan. :))) Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko.<3
