Meeting her.

65 1 0
                                    

Ang hirap mag move-on lalo na kung mahal mo talaga yung tao at nagbigay ng madaming memories na mahirap talaga kalimutan.

Sabi ko nga sa inyo hindi siya yung first girlfriend ko.


2 years,
11 months,
and
23 hours.
In a relationship.


1 hour na lang 3 years na kami ni Baby pero wala eh bumitaw siya, sumuko. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya.


Sumuko na siya sakin kasi ang playboy ko daw. Lagi na lang may kasamang babae. Laging nakikipagharutan sa iba.

Sa totoo lang hindi naman ako may gusto nun , wala eh habulin ng babae ang boyfriend nya.


May pagkaplayboy kasi ako bago ko nakilala si Shai, siya yung babaeng nagpabago sakin.
Crush ko siya noon pero hindi ko maligawan kasi ayoko siyang saktan.

Nagkakilala kami ni Shai nung nakita ko yung notebook niya na may nakasulat na
To my future boyfriend...

"Dear Future Boyfriend,

Hello ! Bored ako kaya nagawa ko 'to. Hahaha. Nasaan na u ? Nandito na me. Bakit ko ba 'to ginagawa ? Hahaha. Ewan ko ba. Trip lang 'to kasi sana makilala na kita. Ang weird kasi gumagawa ako ng ganito pero hindi ka naman nageexist , diba nga future ? Haha.

Nakilala na ba kita, nakausap, nakaaway, nakabungguan or soon to be makilala pa lang? Sana makilala na kita. Hahaha. Pero konting wait pa kasi hindi pa tapos ni God yung love story natin. Kapag dumating ka ituturing kitang Angel. Excited na akong makipagkulitan sayo. Gusto ko kasi yung relationship na parang magkaibigan lang pero todo kung magmahalan. Ayoko nung sobra seryoso, hindi kasi ako ganung tipo ng tao. Hindi agad tayo susuko ha kasi if there's a will there's a way. Hindi ako maarte pag dating sa bagay pero minsan sa ugali meron kaya kahit ano pang ibigay mo super maapreciate ko yun. Kapag kakantahan mo ako, kahit na maganda o pangit yang boses mo kikiligin ako ng sobra katulad ng kilig na nararamdaman ko kay Daniel pag nakanta. Ui adventurous at gala akong tao kaya sana makasama kita sa lahat ng adventure ko sa buhay. Mabilis akong magtampo sorry ha, baka gusto ko lang ng lambing. Hindi ako kung tipong pagirl may pagkaboyish type to pero pusong mamon, sure ka na shoot dito sa puso ko. Maalaga akong tayo kaya sana ganun ka din pinakagusto ko yun sa ugali ng isang lalaki. Kapag ako nagmahal totoo! Tandaan mo yan. Madami akong crush pero promise ko sayo nagiisa ka lang sa puso, stick to one 'to. Madaldal, makulit, moody, medyo sadista, at pasaway 'tong girlfriend mo. Sana maintindihan mo ako kasi ako iintindihin kita. Nandito lang ako parati sa tabi mo, partners in crime pa tayo eh. Sana wag mo kong ikahiya kasi hindi kita ikahihiya, tatanggapin kita ng buo. Kahit anong past mo pa ayos lang kasi sure na bubuin ko ang future at present mo. Good Morning at Good night text lagi kang meron niyan sakin, ipapadama ko talaga yung pagmamahal ko sayo. Iloveyou <3

Love,
Your future Girlfriend Shai :")"


Sabi ko sa sarili ko matutupad niya kaya yung sinabi na dito pagnaging kami kaya naman tinesting ko.

Nakita ko siya sa lobby ng school,

"Hi ! Diba ikaw si Shai?"

"Oo ako nga bakit?"

Hindi isnabera si Shai, super friendly niya kaya naging crush ko siya ang ganda niya pa kapag nakangit,. Sa ngiti niya talaga ako nafall <3

"Eto yung notebook mo, naiwan mo sa may field"

Nagblush siya nun, gawa siguro nung letter.

" ahh.. Ehh. Thank you ha :)"

Pagsuko ?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon