Chapter 3- Sweet lies

75 0 0
                                    

Ezekiel's POV

Pag uwi ko dumiretso nako sa kwarto ko at pasok ko nakita ko si Marga

"Oh bakit ka nandito... I told you we're over." Sabi ko in a cold tone

"Please Ezekiel...i love you so bad, let me love you please..." Habang sinasabi nya nakaramdam ako ng awa but then i remember i'm a heart breaker so baket ako maawa sa kanya.

"You'll be sorry Ezekiel... Mag sisisi ka na ni reject mo ko! You promise me na susubukan mo kong mahalin but you're not trying you're just dumping me over and over again, why? Am i not beautiful enough?"

"Promises are just sweet lies Marga, and its not my fault na naniwala ka sa sinabi ko. Hindi naman sa hindi ka maganda you've got everything hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi kita gusto. Balang araw makakahanap ka rin ng lalaki na magmamahal sayo." Sinabi ko iyon habang hawak ang balikat ni Marga

"Pero ikaw ang gusto ko, kung hindi mo lang di naman ako kayang mahalin siguro hindi ka narin dapat mahalin ng iba" pag kasabi nya nyan ay biglang kumidlat

Nakaramdam ako ng kaba kasi pag kakidlat ay bigla nalang nawala si Marga, there is something in her na kakaiba i don't know pero i think hindi sya pangkaraniwang tao. Ano naman kaya yung sinabi nya na hindi nako dapat mahalin ng iba...?

***

Keira's POV

Nandito ako ngayon sa aking silid at naka dungaw sa bintana, iniisip kung sinong binata ang napadpad sa hide out. Hindi ko sya nakita tanging boses nya lang ang narinig ko. Baket kaya nya hinahanap yung boses ko? Habang nag iisip hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kanina pa ako tinatawag ng isang binata na sa wari ko ay isang prinsipe, gwapo pero maangas ang muka at hindi naman gaanong matipuno ang katawan, tama lang. Habang tinititigan ko sya ay bigla akong kinindatan napabalikwas ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito parang hinahabol ang puso ko dahil sa bilis ng takbo nito.

Bumababa ako mula sa aking silid papunta kusina para kumain, oo prinsesa ako pero malakas ako kumain nagtataka nga ako bakit di ako tumataba eh ka close ko ang kusinera dito at aware naman sya sa ugaling meron ako.

"Manang!!!! Pakiluto nga ang paborito kong dessert at dish..." Utos ko kagaya ng sinabi ko sa inyo malakas ang boses ko. Hindi ako naka damit prinsesa ngayon baka kasi may makakita kung ano talaga ako alam mo na... Ine- expect ng tao pag prinsesa perfect pero hindi lahat perfect syempre lahat ng tao prinsesa o prinsipe, duke o alipin may imperfections din suot ang damit na pang alipin na pinatahi ko sa mananahi dito sa palasyo.

"Aray... Naman Mahal na Prinsesa ang sakit sa tenga ng boses mo.." Sabi ni Manang Daphne

"Eh.. Wala eh kasalanan ko bang pinaglihi ako sa micropono. Tsaka ilang beses ko na sasabihin na pag di ako naka bihis prinsesa wag mo ko tawaging Mahal na Prinsesa mamaya may maka alam nito lagot ako kay daddy.." Sagot ko naman.

"Matagal pa ba matapos yan...! Gutom na ko eh..."

"Malapit na..." Sagot naman nya

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay natapos na rin ang niluluto.

"Halika at sabayan mo ko sa pag kain" yaya ko kay manang at sa ibang alipin oo prinsesa ako pero hindi ibig sabihin nun ay di na sila pwede sumabay ng pag kain saken, hindi naman ako maarte eh.

Pagkatapos kumain ay nagikot ikot muna ako sa palasyo hanggang sa mapadpad ako sa hardin nakita ko yung lalaking kumindat saken kanina nako baka makilala ako nito naka pang alipin pa naman ako. Ng akmang aalis na ako ay bigla nya ako tinawag

"Binibini! Kararating mo lang eh aalis kana agad..." Sabi nya at unti unting lumapit saken. Nanatili akong walang imik, ng makalapit ng tuluyan ay...

"Teka... Ikaw yung babae dun sa bintana kanina diba?"sabi nya ng may pagtataka sa kanyang muka

"Huh?! Ano po bang sinasabi nyo isa po akong alipin dito pano pong mangyayaring ako ang nakita byo sa bintana kanina." Sabi ko at nag kunwaring alipin

"Sa itsura at sa kutis mong yan hindi ka mapag kakamalang alipin, sigurado akong ikaw ang magandang dilag na nakasilip sa bintana kanina." Sabi naman nya

"Hindi ko po alam ang sinasabi nyo ipagpaumanhin nyo ngunit marami pa akong gagawin." Tumalikod na ako sa kanya at Aalis na sana ako ng muli syang mag salita

"Kung hindi ikaw ang dilag na nakita ko kanina maari ko ba syang makita? Sigurado akong prinsesa sya." Sabi naman nya

"Ngunit may sakit po ang Mahal na Prinsesa ngayon" pag dadahilan ko

"Sige kung ayaw mo talaga magpakilala hindi na kita pipilitin. Sya nga pala ako si Prinsipe Ezekiel ikinagagalak kitang makilala Prinsesa" sabi nya at hinalikan ang kamay ko

"Ilang ulit ko bang sasabihing hindi ako prinsesa..!" Sabi ko sa naiinis na tono

"Hanggang sa umamin ka." Sabi nya at kinindatan nanaman ako. Hindi na ko nag salita at umalis nlng

Nakarating na ako dito sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pang prinsesa pagkatapos ay humiga sa kama at nag kunwaring may sakit. Hindi nagtagal ay naka tulog na ako.

***

Pag gising ko ay nagulat ako ng makita kong nakayakap saken habang natutulog si...

AN: HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat!!! Salamat sa pag babasa ng libro ko. Hope you like it ^__^ vote and comment... Paramdam naman kayo!

My perfect imperfect princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon