chapter 2

6 2 2
                                    

Helleani POV

Kakarating lang namin ni kuya ngayon sa bahay at alam nyo kong ano agad ginawa ni kuya? Wala. Wala syang ginawa dahil pumasok na agad sya sa kwarto nya at humilata. Napagod ata kuya ko. Kumatok ako sa pinto nya na parang nagpapaalam na papasok ako. Agad ko itong pinihit ng hindi nya ako pagbuksan pagod na pagod talaga si kuya oh kita mo nakatulog na agad ih kakapasok nya palang di pa nga nakapagpalit ng damit ih. Agad akong umupo sa higaan nya at minasahe yung likuran nyan grabe naman kong makapawis tong si kuya parang naligo na ihh. Nagdilat naman ito ng isang mata tapos tiningnan ako. Ngumiti ito ng kaunti kaya nginitian ko din sya ng pagkalaki-laki. Nang umayos si kuya ng higa ay alam kung nagustuhan nya ang paraan ng pagmamasahe ko sa katawan nya. Natawa naman ako ng marinig ko ang mahinang hilik ni kuya kaya alam kong tulog na ito. Kumuha ako ng malinis na panyo at ginamit iyong pamunas sa likuran ni kuya. Tinanggal ko naman yung damit nya matapos mapunasan ang likuran nito. Sanay nako na pag-uwi sa bahay ay mamasahiin ko ang katawan ni kuya para mawala ang sakit ng katawan nito kaka practice. Tumayo ako at pumunta sa closet ni kuya at humanap ng sando. Matapos makahanap ng sando ay pumunta nako sa higaan ni kuya at isinuot ito sa kanya para di na masyadong malagkit yung katawan nya pag gising nya.

"Kuya alam mo ba mahal na mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan" sabay halik sa pisnge nito. Para akong tanga neto ahh kinakausap ko yung tulog. Natawa naman ako kunti sa mga pinagsasasabi ko ss sarili ko

"Mahal ka din naman nila cazz, khate, at issi, kuya. Kasi kapag may umaaway sa amin, ikaw palagi nilalapitan namin kuya para magsumbong. simula bata ikaw na talaga yung tagapag tanggol namin kaya mahal na mahal ka namin kuya" niyakap ko naman ito kahit tulog na tulog at basa pa ng pawis ang ulo.

Pumunta na ako sa kwarto ko para matulog saglit 4:30pm palang naman mi oras pa para mag prepare ng susuutin ko bukas at para makapaghanda ng ulam mamayang gabi, magpapa alar nalang. 6:00pm na pala kaya lumabas nako ng kwarto. Sinilip ko naman si kuya kung gising na ba ito. Nang makumpirmang hindi pa ay napag desisyonan ko na ako nalang magluluto ngayong gabi at gigisingin ko nalang si kuya kapag tapos na ko sa lahat ng gawain kaya sinirado ko na ang pintuan ni kuya at bumaba na.

Bago ako nagsimula ay inihanda ko na muna ang mga kakailanganin ko gaya ng bawang, sibuyas, seasoning pati na rin yung karne ay nilagay ko na sink para lumambot at malinisan na ito at naghugas na rin ng kamay. Mamaya ko na sasabihin ko ano ang lulutoin ko. Basta favorite to namin ni kuya. Iniisip ko palang parang tutulo na laway ko hahaha di joke lang.

Habang hinihintay na lumambot ang karne ay pinainit ko na ang paglulutuan ko. Una kung ginawa ay ginisa ko na ang bawang at ang sibuyas nagpainit na din ako ng tubig para maraming sabaw hihi. Syempre hindi sabay ikaw na bahala kung ano uunahin mong gigisahin basta sakin inuna kong ginisa ay yung bawang at hinintay yun na maging golden bronw tas sinunod ko naman ay yung sibuyas at ng maamoy ko ito natakam ako kaya pinuntahan ko na sa sink yung karne para mahalo ko na at para pamadali na din ang luto ko magkalapit lang naman ang sink at at nilulutuan kaya ok lang. Nang nahawakan ko yun ay malambot na kaya binuhos ko na yung tubig at naghintay muna ng isang minuto bago nilagay ang karne dun sa ginisa kong bawang at sibuyas. Ng mailagay ang karne ay agad ko naman itong hinalo at nilagyan na ng toyo, suka at lastly asukal para di masyadong maasim at di din masyadong maalat dapat yung tamang tama lang ang alas. Tinakpan ko naman iyon para mas mabilis maluto at lumambot ang karne at para masarap ding lutuin. Matapos ang limang minuto ay tiningnan ko ulit yun at ng mapagtantong malapit ng maluto at agad kong nilagyan ng mainit na tubig. Sabi ko nga kanina para maraming sabaw hihi hinalo ko iyon at naghintay ako ng 10-15 minutes para luto na luto na talaga at malambot na malambot na talaga ang ulam namin. Sigurado naman akong alam nyo na ang favorite namin ni kuya? Eh ano pa nga ba? Edi adobo lalo na kapag madaming sabaw? Nakoo napakasarap talaga kahit dalawa lang kami kukulangin talaga yung naisaing kong kanin hihi nakalimutan kong malakas pala ako kumain.

Destined to be APARTWhere stories live. Discover now