CHAPTER 13

170 23 48
                                    

"It's been a long time. . . Paris Cauldron."

Kumunot ang noo ni Paris nang marinig ang kanyang pangalan mula sa matandang babaeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Paano niya nalaman ang pangalan ko?!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?!" Isinatinig niya ang kanyang iniisip.

Ngumisi ang matandang babaeng nakasuot ng mahabang kulay puting tela na bumabalot sa buo nitong katawan, at nagsalita. "Dahil kilala kita."

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Paris nang marinig ang sagot nito. Kilala niya ako? How?

Siguro ay nabasa ng matandang babae ang nagtatanong na mukha ni Paris, kaya ito ay ngumiti ay iminuwestra ang kalooban ng maliit na bahay na iyun na ngayon ay sobrang dilim.

"Pumasok ka, kung gusto mong masagot ang katanungan mo."

Hindi alam ni Paris kung pakikinggan niya ba ang matandang babaeng nasa harap niya na ngayon niya lamang nakita. Susunod ba siya rito? O aalis nalang? Hindi ba ito magnanakaw? O di kaya ay isang miyembro ng kulto na nangangain ng tao?

Papaano kung kulto nga ito at kainin ako?! NO! Hindi pwede, ayuko pang mamatay nang hindi naeenjoy ang Palawan!

Anim na taon niyang binalak na pumunta dito, tapos mamamatay lang siya agad?! No way!

"Bakit ako susunod sa sinasabe mo, tanda ha?!" Asik niya, habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin rito. Kung isa nga itong miyembro ng kulto, kailangan niyang maging handa sa posibleng masamang kilos nito!

Naging alerto si Paris nang bahagya.

Bahagya pang tumawa ang matandang babae sa naging akto niya at sa naging pagtawag niya rito. "Dahil kilala ko ang buong pagkatao mo, at nasisiguro kong hindi mo iyun alam."

Napasinghal si Paris. Pinagloloko ba siya nito? Baliw ba to? Paanong hindi ko alam ang pagkatao ko? Ang pagkakaalam ko, hindi ako ampon, ah.

Napatawa ng nakakabaliw si Paris.

Nang makapaghinahon, muli siyang bumulaslas ng tawa at itinuro pa ang matandang babae. "Seriously?! Pfft!" Tumawa ulit siya, "Sinong maysabing maniniwala ako sayo?! Haha! Eh hindi nga kita kilal—"

"Laura Ladelle Vann Derria-Cauldron."

Parang biglang binuhusan ng tubig si Paris sa kinatatayuan, napatigil sa pagtawa at pagsasalita, napipilan at gulat na napatingin sa matandang babaeng nasa harap niya.

Hindi siya makapaniwalang binanggit nito ang buong pangalan ng kanyang ina! Bibihira lang ang may alam ng buong pangalan ng ina niya, bilang lang sa daliri. Nasabe sa kanya ng kanyang ina noong labing tatlong taon pa lamang siya na iilan lang ang nakakaalam sa buo nitong ngalan, at pinagsabihan rin siyang huwag sasabihin kahit kanino ang buo nitong pangalan. Hindi na siya nagtanong noon kung bakit, pero ngayon nagsisisi na siya kung bakit hindi niya natanong.

Hindi basta basta ang kanyang ina, yun ang alam niya.

Paanong nalaman ng matandang babaeng nasa harap niya ang pangalan ng ina niya?

Ngumisi ang matandang babae sa kanya at makahulugang tumingin, "Oh, ngayon? Naniniwala ka nang alam ko ang pagkatao mo, Paris Cauldron?" Pinandiinan nito ang pangalan niya kaya't mas namuo ang kilabot sa katawan ni Paris.

Kung banggitin nito ang pangalan niya, para bang matagal na siya nitong kilala.

"Si-sino ka?! Anong alam mo sa kay mama?" Biglang napalitan ng pangamba at kaba ang kaninang sobrang nawiwindang na boses ni Paris. Kung alam nga nito ang buong pangalan ng kanyang ina, siguradong kilala nga ito nito ang kanyang ina. Ngunit hindi pa rin siya kumbinsido kung may alam nga ito sa buo niyang pagkatao.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon