KABANATA 33

7.2K 251 158
                                    

Kabanata 33

"Sino ba 'yon?" tanong ko habang hinahatak niya 'ko papasok sa aming maliit na opisina.

"Maybe a reporter or a paparazzi, so just stay inside. Don't go out until Jasper arrives, okay?"

Nagulat pa si Auntie nang bigla kaming pumasok dahil naroon siya at seryosong nagtatrabaho. Agad ding nagpaalam sa amin si Calyx, suot iyong cap at shades niya na pantakip sa kanyang mukha.

"Ang hirap talagang maging artista, ano? Lahat na lang ng galaw mo gustong bantayan ng media."

"Oo nga po, Auntie."

Gaya ng bilin ni Calyx ay hindi ako lumabas hangga't hindi dumarating si Jasper. Tinulungan ko na lang si Auntie na tapusin iyong mga kailangang report sa Green Pepper. Ako na rin ang nag-presintang gumawa ng mga proposals para sa mga target naming partnerships with different organizations' events kung saan pwedeng kami ang mag-supply ng pagkain sa kanila.

"Sigurado ka na kaya mong tapusin lahat 'yan? Masyadong marami 'yan, Cindy." Nakita ko ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata. Nag-smile ako para mapanatag ang loob niyang ayos lang talaga ako. 

"Kaya ko po, Auntie. Hindi man kalakihan ang kikitain natin dito, malaking tulong pa rin 'yon pambawi sa nagsara nating branch." Hindi naman din kasi kaliitan iyong nalugi namin. Marahil sa Perez Group ay barya barya lang 'yon, pero sa amin hindi. 

"Tama ka. Malaki-laki rin ang nalugi natin do'n." Napabuntong hininga si Auntie at lumungkot na naman ang mga mata niya.

Hindi man niya gustong ma-guilty ako sa nangyaring iyon, hindi ko pa rin maiwasan. Kaya gusto kong makabawi kahit sa ganitong paraan man lang.

Buong linggo ay ang pag-aasikaso lang ng mga proposals ang pinagka-abalahan ko. Minsan ay nakaliligtaan ko na ang oras ng pagkain pero laking pasalamat ko na laging nand'yan si Jasper para paalalahanan ako. Kung hindi rin dahil sa kanya ay baka nagawa ko na ring umaga ang gabi. Literal na nakakalimot ako sa oras kapag nakaharap na ako sa laptop.

Napahawak ako sa balikat ko pagkatapos ng halos tatlong oras na meeting ko sa isa naming target client. Mabuti na lang at pumayag silang makipag-meeting online dahil hindi ko kakayaning bumyahe pa-Maynila sa kalagayan ko.

Napangiti ako nang mapatitig ako sa kalendaryong nasa aking lamesa. Bukas na lang ang pagitan bago ang aming kasal ni Jasper. Kinakabahan at natatakot ako pero kapag nakikita ko na si Jasper ay nawawala ang lahat ng iyon.

Napalingon ako sa kanya nang ipatong niya ang mga kamay sa mga balikat ko. Napapikit ako sa biglang ginhawang naramdaman ko dahil sa ginawa niyang pagmasahe.

"Konti na lang talaga, My Majesty magagalit na 'ko sa 'yo." Natawa ako ng mahina. 

Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit ko kailangang gawin ito. Alam ni Jasper ang nangyaring biglaang pagsasara ng Green Pepper sa Maynila kaya kami palaging abala ni Auntie. Ngunit hindi ko binanggit sa kanya na ang kumpanya ng pamilya niya ang dahilan kung bakit ito nagsara. Ayokong ma-guilty siya sa bagay na hindi naman niya ginusto. At mas lalong hindi ko ikatutuwa kung aawayin niya si Donya Selerina nang dahil dito. 

Baka imbes na branch lang sa Maynila ang pagdiskitahan nito ay idamay pa ang iba pa naming branches. Hindi ko na kakayanin pa ang kahihiyan ko kay Auntie kapag nawalang parang bula ang lahat ng pinagpaguran niya nang dahil sa 'kin.

"Jasper, tigilan mo na nga 'yang damit mo na 'yan! Halika na rito matulog na tayo!"

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niyang sinukat iyong isusuot niya sa aming kasal simula noong binili namin! Kulang na lang ay hatakin niya ang bawat araw mapabilis lang ang pagdating ng petsa ng aming kasal.

BGS #2: A Battlefield With Cinderella [WITH PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon