CHAPTER 11
DUSTIN POV
Pagpasok ko sa room tumingin ako sa upuan ni julia pero wala syasiguro na late lang sya
Pag upo ko biglang lumapit sa akin si janina
"uy dustin ok na ba si julia" may pagaalala sa boses ni janina habang sinasabi nya yan sa akin kaya parang nakaramdam na rin ako ng kaba para kay julia hindi ko rin kasi alam yung sinasabi nya sa akin na ok lang daw si julia
"huh?" sa sobrang dami kong iniisip ayan na lang tuloy na sabi ko sa kanya kahit gusto ko nang itanong sa kanya kung ano bang nangyari kay julia
"ibig sabihin hindi mo alam na nasa ospital si julia" kinuha ko kaagad yung bag ko at lumabas kaagad ako ng classroom
Takbo lang ako ng takbo ng may nakabangga ako at sa sobrang lakas ng pagkakatama namin natumba tuloy ako ( kainisssssssssssssssssss )
"di kasi tumitingin sa daan eh" sigaw ko bago ko tumayo sa kinauupuan ko
"sory hindi ko sinasadya" huminto ako sa kapapagpag ko sa likod ko nung marinig ko yung boses nya ,tumingala ako 0____0 ganyan ang itsura ko nang makita ko si PEARL ganyan rin namn ang itsura nya nung nakita nya ko
Halos matagal ko na rin siyang hindi nakikita simula nung nag break kami pero parang may nag iba sa kanya lalo na yung pananamit nya hindi na kasi masyadong maiksi yung pambaba nya hindi na rin ganon karami yung make up nya
"pearl bat hindi ka na pumapasok" parang nakaramdam ako ng awa sa itsura ngyon ni pearl para kasing may dinadala syang problema
"ahm hindi na kasi ako nagaaral eh" nagulat ako sa sinabi sa akin ni pearl imposible namn kasi na naghirap sila eh ang yaman yaman nila hindi kaya ayun ang problema nya
"may problema ka ba" biglang umiyak sa harapan ko si pearl pero bigla rin naman syang tumigil at ngumiti sya sa akin na alam kong pilit lang yon
"pwede mo ba akong samahan sa park kung saan tayo pumunta dati" hindi ko alam kung tatanggihan ko sya pero mukang kailangan nya talaga ng tulong ko pero paano namn si julia hay bahala na nga lang
"ahm sige tara" hinawakan ko yung kamay nya hindi dahil gusto ko pa sya ganon lang talaga ko -__-
PARK
Hagod lang ako ng hagod ng likod ni pearl na patuloy pa rinsa pag iyak ayoko namn muna syang patigilin baka sakaling kahit papano eh mabawasan yung problema nya at wala namn akong alam sa problema nya kaya hindi ko rin syaagad matulungan
"thank you" sabi sakin ni pearl habang pinupunasan nya yung luha nya
"for what?"
"sa pagsama mo sakin dito" ngumiti sa akin si pearl pero bakas pa rin sa mukha nya yung lungkot
"ok lang yun may pinagsamahan rin namn tayo" ayoko namn na lumayo na sya sakin dahil lang nagbreak kami kahit papaano naging mahalaga rin namn sya sakin
"pwede ba kong humingi ng favor isa lang namn yun sana pumayag ka" sabi sakin ni pearl na para bang nag mamakaawa
"oo namn" wala namn kasing dahilan para hindi ako pumayag tsaka isang favor lang namn
"sana maging bf kita kahit sa mga nalalbi kong araw" parang bigla akong naguluhan sa mga sinasabi nya sakin ngayon lalo na makikipagbalikan ulit ako sa kanya
"ano bang sinasabi mo?" kahit gusto ko syang sigawan hiuminahon na lang ako bakit ba kasi kailangan nya sabihin yun
"may sakit akong cancer at sabi sakin ng doktor pwede na kong mamatay" nagsimula ulit umiyak sa harap ko si pearl kaya inakap ko kaagad sya sobrang awang awa ako ng sabihin nya sakin na pwede syang mamatay pero bakit kailangan nyang makipagbalikan sakin? para ba lagi nya kong makasama? mukang hindi ko ata kakayanin na makasama sya hanggang sa makita ko na nanghihina na sya at pano namn ang balak ko na ligawan si julia.