Sypnosis

59.8K 1.1K 107
                                    


***


"Hoy! Asaan si Xavier?!"
Agad kong tanong ng makarating siya sa likod ng building ng university namin.



Ito ang alam kong laging tambayan ng mga bully, basagulero at walang magawa sa buhay na pinapakasakitan lang ang mga magulan na estudyante. Kasama na sila Sven at Xavier don.




Porke ba mayaman sila kailangan naglulustay na sila ng pera?




"O ikaw pala Ace!"
Naka-ngising bati sakin ng mukang tukmol na lalaki kasama ang tatlo pang lalaki.



Ang papangit nila. Halatang mga bully at basagulero din.



"Bawal ang cute na batang katulad mo dito!"
Tumatawang sabi niya sakin. Tinignan ko lang siya. Mas matatakot pa ako kay Girlie kapag naka-make-up kesa sakanya.



"Hindi na ako bata! 3 year college na ako hambog ka!"
Naiinis na sigaw ko pabalik.




Nawala naman ang ngisi ng lalaki ng tinawag ko siyang hambog. Bahala siya sa buhay niya! Totoo nga sinasabi mo. Mga hambog sila.




"Aba!-" Susugudin na sana ako nung pangit na lalaki pero hinawakan ng katropa nito ang balikat ng lalaki at bumulong.



Kita ko pa ang mga ngisi nila habang nakatingin sakin. Sila kaya una kong tanggalan ng bayag?! Nakakainis!




"Daan na po mahal na prinsipe.. Nanduon si Xavier!"
Turo nito sa dulo.




"Che! Mga hambog!"
Singhal ko sakanila at naglakad papasok. Sayang yung oras ko sakanila.



Narinig ko pa ang bulungan at tawanan nung mga hambog!



"Kung hindi lang cute yung si Ace? Malamang sinapak ko na!"


_____________



"Hoy Xavier!"
Sigaw ko nang makita ko ang malaking katawang tao na nakatalikod. May kinakausap ito.



Isang beses ko lang siya nakita. Pero parang siya yon.



Nakatingin naman sakin yung lahat. Ngayon lang ba sila nakakita ng cute?



"Wala ka talagang bayag na lalaki ka! Pagkatapos mong ilaglag sa ang ate ko sa hagdan?! Hindi mo man lang tinulungan o magsorry?!"
Naka-pamewang pa ako sakanya. Nakatalikod lang ito na para bang hindi nakikinig na sobrang kinainis ko.



"Bastos ka talaga e no!"
Naiinis na sigaw ko at walang pasabing hinampas nito ang likod ng lalaki.




Napatingin naman ako sa mga taong nakapaligid samin nang makita ko ang gulat sakanila.





Ngayon lang ba sila nakakita ng cute na marunong manghampas?!



Lalo pa akong nainis nang hindi gumalaw 'tong si Xavier. Iniinis talaga ako nito!




Hahampasin ko na ulit sana nang mapigil ang kamay ko sa ere dahil sa narinig.




"O Ace?! Anong ginagawa mo dito?" Agad ako pimihit sa taong nagsalita. Nakita ko si Xavier habang kumakaway sakin.



Kumaway naman ako pabalik. “Hi Xavi--” Hindi ko natuloy ang pagbati ko nang pumasok sa isip ko na hindi si Xavier ang nahampas ko.



"Tanga ko talaga!" Mahinang bulong ko sa sarili bago ulit humarap sa taong hinampas ko.




"S-sven?" Kinakabahang bulong ko nang makilala ang taong hinampas ko mismo.



𝐁𝐚𝐝𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟒)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon