Chapter 19 (FLASHBACK)

15.7K 609 28
                                    

***

[SVEN]

"Hindi mo talaga sasabihin saakin pano ka nagsugat ng ganyan?!" Inis na singhal saakin ni Ace habang dinadampian ng paunti-unti ang putok kong labi.






Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sobrang pag-aalala niya sakin. Mas lalo ko pa siyang hinapit palapit sakin. Nakaupo kasi siya sa kandungan ko habang ginagamot ang sugat ko na pabor sakin. Aayaw pa ba ako?








"Hindi mo talaga sasabihin?!" Ulit niya pang sabi pero nakatitig lang ako sakanya. "Sven naman! Pinatulog mo ako tapos ganito kita makikita paggising ko? Nakakainis ka!" Naiiyak niyang sabi na kinaalarma ko.







"Okay! Sasabihin ko na!" Mabilis kong singhal. "Amm.." Bulong ko at nag-isip ng idadahilan.







Siya naman ay tumigil sa ginagawa niya at tumitig sakin. "T-tinambangan kami nung kaaway naming grupo. Grupo nila Joey! Tama! Yun nga!" Pagdadahilan ko habang tumatango-tango pa.






Tumitig naman siya sakin. "Tumigil ka na kasi sa pakikipag-away! Tignan mo tuloy! Parehas tayong may sugat sa labi!" Reklamo niya pa habang nagpapatuloy sa ginagawa. Natawa nalang ako sa ka-cutan ng Ace ko. Masyado siyang cute. Hindi ko mapigilang manggigil.







"Hayaan mo na yang labi ko. Importante gumaling ka na. Patingin nga ng mga pasa mo" Utos ko at pilit pinagpapalit ang pwesto namin. "Hindi Sven! Dyan ka lang!" Sigaw niya sakin at mas binigatan pa ang sarili sa harap ko at tinulak ako pahiga. "Hindi pa nga magaling yang sugat mo tapos ako na naman aasikasuhin mo?! Nakakainis ka na! Lagi nalang ako ang inuuna mo!" Parang naiiyak na naman niyang sabi.






Pinulupot ko lang ang kamay ko sa bewang niya habang siya naman ay nakayuko at ginagamot pa din ang sugat ko sa labi. "Syempre. Ikaw dapat lagi ang uunahin ko. Mahal kita e" Nagulat naman ako ng hinampas niya akong mahina sa dibdib.






"Mahal din kita pero hindi laging ako dapat!" Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Para siyang batang nagsusumbong sa nanay niya.






Pero mas natuwa ako nang marinig ko sakanyang mahal niya ako.






Nagkunwari naman akong nasaktan dahil sa hampas niya. "A-aray! Sakit mahal!" Pag-aarte ko pa nang nasasaktan habang nakahawak sa dibdib ko.






"H-hala! S-saan?! San masakit?!" Agad na singhal sakin ni Ace at marahang hinawakan ang dibdib ko. Humawak naman ako sa hita niya.






"A-ang sakit mahal!" Bulong ko pa sakanya. "Saan?! S-sabihin mo san masakit?!" Ulit niya.






Dahan-dahan kong tinuro ang labi ko at ngumuso. Nakita ko naman siyang napanatag. "S-sven naman! Niloloko mo na naman ako!" Reklamo niya sakin habang nakanguso. "Hindi kita niloloko! M-masakit talaga! Aray!" Singhal ko pa.






"Hala! Anong gusto mong gawin ko?! Alcohol pa ba?" Agad naman niyang sabi. "N-no. I w-want kisses..." Bulong ko habang nakapikit. "Sven naman!" Sigaw niya ulit sakin. Agad naman akong nag-inarteng masakit pa din. "Masakit talaga mahal! K-kiss gusto ko ng kiss! Bilis!" Bulong ko.





"H-ha?! Masakit talaga? Ilan bang kiss?!" Agad niyang tanong na nagpangisi sakin. "T-twenty five!"





"Bakit ang dami naman Sven! Niloloko mo ata talaga ako!" Agad naman akong umiling. "M-mamatay na ako sa sakit! K-kiss! Gusto ko ng kiss!" Sigaw ko pa.





𝐁𝐚𝐝𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟒)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon