Chapter 15 (FLASHBACK)

16.4K 659 104
                                    

***

[SVEN]

"Stop eating now Ace" Utos ko kay Ace. Kanina pa kasi siya kumakain ng donut.




Hindi na kami pumasok ng inuwi ko siya. Kanina pa siya nagrereklamo, sana daw nag-usap nalang kami don sa school at hindi na umuwi pa. Sayang daw ang araw.




Kaya para tumigil siya sa kakareklamo, binigyan ko ng donut. Isa lang dapat ang ibibigay ko pero nakita niya yung box kaya kinuha niya agad. Wala naman akong magawa. Masyado siyang cute para tiisin.





Tumingin naman siya agad sakin habang ngumunguya pa. Natawa naman ako kasi ang kalat niyang kumain pero patuloy lang siya. "Ayaw!" Singhal niya sakin at tumingin ulit sa TV.





Nanunuod kasi ngayon sa YouTube. Siya namili ng panunuorin namin. Gustong-gusto niya yung mga palabas ng disney. Halos lahat ng kanta alam niyang sabayan, hindi nga lang kagandahan ang boses niya pero ang boses niya ang pinaka-maganda sa pandinig ko.






Tumawa naman ako ng mahina bago inabot ang tissue sa bedside table namin at naglakad papunta sakanya.






Humatak ako ng isang upuan at nilagay iyon sa harap niya. Sa TV pa din ang focus niya pero wala akong pakialam.







Umupo ako sa harap niya at kinuha ang box at ilagay iyon sa kung saan. Nakita ko naman siyang napanguso. "Sven... Kumakain pa ako eh" Bulong niya sakin habang nakanguso.





Tumingin naman ako sakanya at bumunot ng mga tissue bago iyon marahan na idampi sa mukha niya. "That's enough. Ang dami mo nang nakain. Masama sayo yung laging kumakain ng matamis" Sermon ko habang nililinis ang mukha niya. Lalo na yung gilid ng bibig.





"Isa nalang please?" Pagmamakaawa niya pa. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa ginagawa ko. "Sven?" Nakanguso niyang bulong.






Hindi ko na naman siya pinansin at hinayaang mangulit. Mabilis niyang pinalupot ang kamay niya sa bewang ko bago isubsob ang mukha sa tyan ko. "Isa nalang Sven please!" Rinig ko pang bulong niya habang nakasubsob ang mukha sa tyan ko. Hindi ko naman mapigilang matawa.







Inangat ko yung mukha niya. Nakangiti kong hinaplos ang mga pisngi niya. He's beautiful. Pure and lovely. Ayoko nang makawala pa ang taong ito sakin.






"Gusto mo pa ng donut?" Mabilis naman siyang napatango at napangiti.




Inabot ko sakanya ang box ng donut pero bago niya pa makuha yon mabilis ko ulit iyong inilayo na naging dahilan ng pagsimangot niya. "Sven naman!"




Ngumisi ako sakanya. "I want 20 kisses" Utos ko.





𝐁𝐚𝐝𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟒)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon