"Hoy kia, tama na kaka-rp mo diyan parating na si ma'am," ani Sochi at umupo sa tabi ko.Binaba ko na ang aking cellphone at tumingin sa labas, tama nga parating na ang next teacher namen.
"Bakit ba puro ka-rp anong napapala mo diyan?" tanong ni sochi.
"May Sh kasi ako dito alam mo iyon, Sisterhood? para kahit minsan may maituring ako kapatid na babae, hahaha."
"Baka may jowa kamo hahaha." pang aasar nito.
"Tumigil ka nga, wala naman akong balak mag jo-"
"Good Morning Class," gulat akong napatayo at nakisabay sa mga kaklase kong bumati pabalik sa guro.
Tinignan ako ni Sochi ng mapangasar. Ganiyan siya pagdating sa lovelife ko gustong gusto niya mang asar, ewan ko ba porket may Axel na siya.
Nagsimula na ang klase, siyempre nakikinig lang ako, malapit na rin Graduation namin kaya sobrang saya ko may maipapakita nanaman akong diploma kay papa.
"That's all for today, Goodbye Class."
Agad na akong tumayo at inayos ang gamit ko.
"Kia, doon na tayo sa labas kumain," aya ni Sochi.
"Baket naman? Ang layo ng lalakarin, kaya mo ba ako buhatin pag sumakit paa ko?" pagtanggi ko.
"Gaga kasi naman eh,"
"Ano?"
"Magkikita daw kami ni Axel ngayon," parang nahihiya pa siyang sabihin ito.
"Anino."
Agad nito akong binatukan, "Ano ba? Seryoso yung tao eh, sige na pleaseee," nagpacute pa siya.
"Oo na oo na, gagawin mo lang naman akong photographer eh."
"Hindi noh! pero parang ganon na nga hehe."
"Inaka," inirapan ko nalang ito at tinapos ang pag aayos ko ng gamit.
Naglakad na kami palabas at sumalubong agad samin ang napakainit na sinag ng araw.
"May payong ka?" Tanong ko kay chi.
"Siyempre," pagmamayabang nito.
"Bakit hindi mo pa ilabas alam mo na nga ang init init," nilabas ko pa ang panyo ko para punasan ang aking pawis.
"Siyempre wala, hahaha."
Inis akong napatingin sakanya at binatukan.
"Wala kang dalang payong?!"
"Wala nga! Halika na mas umiinit kung tatayo lang tayo dito," saka hinila ako palabas ng school.
20 years later
Siyempre joke lang.
"Ayon na siya oh," sabay turo ko kay axel na nakaupo sa coffee shop kasama ang isang lalaki.
"Wag ka magturo turo," binaba nito ang akin kamay na nakaturo kay axel. Tinignan ko lang itong naka kunot noo at hinayaan nalang.
Pumasok na kami sa Coffee shop at salamat dahil may aircon dito. phew.
Agad naman pumunta si Sochi sa table nila Axel at nagyakapan, parang antagal na di nagkita eh.
Sumunod naman na ako sakaniya at umupo sa may bakanteng upuan. Magkatabi kami ngayon ni Sochi kaharap niya si Axel at ako naman kaharap ko yung lalakeng di ko kakilala.
"Hi kianna," bati saken ni Axel ng mapansin niya ako. "Btw, this is Primo Magbanua my classmate." turo niya sa katabi niya.
Ngumiti nalang ako doon kay 'Primo daw.