"Sierra, saan ka na naman ba nanggaling? Jusko, ako ang mapapagalitan ni madame dahil sa'yo, e!", malinaw na pagkakarinig ko kay Manang Sintia habang akay-akay niya ako papunta sa'king kwarto.
Gusto ko sanang magsalita pero dahil sa kaantukan ay hindi ko na kinaya pang makapagpaliwanag.
"Jusko, sabi ko na nga ba't maling impluwensya talaga 'yang sina Denise. Tingnan mo nga naman at alas tres ka na hinatid papauwi. Buti na lang at wala ang mommy at daddy mo, kung hindi, malilintikan ka talaga.", aniya.
Binuksan niya ang pinto, minulat ko ng kaunti ang aking mata bago hinayaang bumagsak ang katawan sa malambot kong kama.
"Alis na Manang, kaya ko na *hik dito.", ani ko.
"Ewan ko sa'yong bata ka. Hintayin mo ako dito't papalitan ko pa 'yang damit mo."
Narinig ko ang pagsara ng pinto bago ako tuluyang nakatulog.
"Sierra, wake up!"
Nagising ako ng marinig ko ang malakas na panggigising sa'kin ni mommy.
Leche, sakit ng ulo ko!
Kinusot ko ang aking mata bago umupo. "Hi, mom.", pagmabati ko kay mommy habang sapo sapo aang aking ulo.
Shit, ano na naman kayang sermon ang sasabihin ni mommy.
"Don't 'Hi, mom', me! Balita ko alas tres ka na daw ng umaga umuwi, and sino na namang kasama mo? Sina Denise? Di'ba I told you before to stop hanging out with Denise and your other friends? They're just helping you to have bad image, Sierra! You're already 17 yet you still don't know how to choose friends! Now, look at you. You're a mess.", mahabang lintanya niya.
"Mom, please. Not now.", hinilot ko ng kauti ang aking sentido.
"You never learn, Sierra. Didn't I told you before na kapag naging matigas na naman 'yang ulo mo, pababalikin ko siya dito?". Nanlaki ang aking mata sa narinig.
"No way, mo—"
"There's a way, Sierra. At kapag nahuli kita ulit na kasama ang mga kaibigan mong walang ibang ginawa kundi ang ilagay ka sa gulo, I'm telling you, anak. Behave or I'll give you what you deserve.". Pagkatapos ng mahaba niyang lintanya ay agad siyang lumabas ng aking kwarto.
What the hell did I just heard from mom? What now? Talaga bang kaya niya ulit 'yong gawin? Hindi niya ba alam na pahamak din lang ang dala ng lalaking 'yon sa'kin?!
Fuck! Sumabay pa 'tong sakit ng ulo ko.
May nakita akong soup at gamot sa side table. Agad ko itong kinuha at ininom.
"Kasalanan 'to ni Denise, e! What a bitch? Akala niya hindi ko alam na may nilagay siyang drug sa inumin ko?".
YOU ARE READING
Loudest Silence
General Fiction"Hurtful words doesn't hurt me anymore. That's what I thought." Sierra Reign Morandarte, an ugly girl. Inside and out. That's what they said. And she's fine with it. But he's not.