Smile
Pagkatapos kong mag mokmok ng ilang minuto ay nagpasya na akong manood na lang action movie sa'king kwarto. Walang hiyang lalaki kasi 'yan. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng gawin nina mommy para patinuin ako ay ang pagpapabalik ng hampas lupang iyon dito? Like, hello? He doesn't belong here. He doesn't belong to places that I'm in!
Bata pa lang ay magkakilala na kami ni Ryder. Anak siya ng isa sa kanang kamay ni lolo pagdating sa sakahan namin. Sa mansion din naming na malapit sa sakahan ako nag-aral ng elementarya, and I hate it, because it's a public school.
Simula ng dumating siya sa buhay ko, nagsimula ng magkaletche-letche lahat, and now that he's back, sigurado akong gulo na naman ang ibibigay niya sa'kin.
He's one of the reason why almost half of my schoolmates hates me, they say that maybe I'm using my power over his family kaya kahit na masama ang ugali ko'y nakadikit pa din siya sa'kin, well infact he's my guard. He was assigned by my mom and dad back when I was in grade 3 to be with me all the time. For what reason? Nakipag-away ba naman ako sa cheap kong classmate before at ito namang si Ryder, sumipsip. Sinumbong ako kina mommy!
What an ass, right?
Since then, my elementary days was ruined. Lagi siyang nakasunod sa'kin, sinasaway ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Pati ang kinakain ko at mga activities ko sa school ay pinaparating niya kay mommy.
Natapos lang ang paghihirap ko sa walang kwentang pagbabantay niya sa'kin ng tumungtong siyang high school. Mas head kasi siya sa'kin ng dalawang taon, kaya naman naging madali sa'kin ang grade 6. Ang kaso nga lang, duon nagstart lumabas ang mga taong may tinatago palang galit sa'kin. Even my so called friend told me that I overused my power as a Morandarte. She even told me na kaya lang siya nakipagkaibigan sa'kin para mapansin siya ni Ryder, I was shocked. Hindi ko naman kasi inaasahang may gusto sila kay Ryder. Like, hello? Anong nakita nila sa lalaking 'yon? He's not even mayaman so why aksaya their time pa, di'ba? But since they're malalandi at a very young age, hinayaan ko na lang ang mga cheap assumptions nila.
Buti na lang wala na akong naging schoolmates' pa ulit sa kanila, except Vincent. That plastic gay.
Napasandal ako sa headboard ng aking kama at napahawi ng aking buhok.
"Walanghiya ka, Ryder!", malakas kong sabi.
"Really?"
Agad akong napatingin sa may pinto, and there he was, standing. Hinawi niya ang kanyang buhok bago humakbang. Agad naman akong napaayos ng upo, hinarang ko pa ang kumot sa'king katawan.
"What are you doing here?!", ani ko.
"Your mom asked me to-"
"Ok, I get it. Now, step back.", putol ko sa kanyang sinasabi, paano ba naman, humahakbang pa din siya papunta sa dereksiyon ko.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na animo'y nahuli ng pulis. Tumango siya bago ngumisi.
YOU ARE READING
Loudest Silence
General Fiction"Hurtful words doesn't hurt me anymore. That's what I thought." Sierra Reign Morandarte, an ugly girl. Inside and out. That's what they said. And she's fine with it. But he's not.