Aware

4 0 0
                                    

I'm sick and tired of the noises, the voices

Everything seems magical

And yes, my mind is awakened, dead conscience

Every day's a torture for me

*****

"So, what can I do for you today?" tanong niya sakin.

Nakaupo ang isang matandang babae sa isang sofa, hawak ang kanyang clipboard. Sinara ko ang pinto at lumapit sa kanya, "Asan ako? Kanina pa ako naglalakad hanggang sa makita ko itong pinto. It was like an endless corridor."

Huminga ang babae nang malalim na parang pinipigilan ang kanyang irita sa akin. Inayos niya ang kanyang eyeglasses at sinabing, "Just take your seat and tell me about yourself."

"Sagutin mo muna ako," ulit ko sa kanya.

"Huminahon ka. Sasabihin ko lahat sayo if you just take your seat."

I bit my lip. What choice do I have? Tiningnan ko ulit ang pasilyong aking pinanggalingan at tuluyan nang umupo sa harap niya. Kung saan-saan dumapo ang aking tingin dahil hindi ko talaga alam kung paano ako napadpad sa office na ito. But for some reason, parang pamilyar ang office na ito. Parang nanggaling na ako dito.

"Hindi ako nangangagat, hija. Di kita sasaktan. Just tell me about yourself," sambit niya.

"Ako si Emily. 26. Galing sa Milvern City," nakita kong sinusulat niya ang mga sinasabi ko pero nagpatuloy pa rin ako. "Uh...tingin ko, nagsimula lahat ng ito nung binigay ulit sa akin ung rape case ni Lea para i-cover."

*****

"Nanumbalik ang paghihinagpis ng pamilya ng yumaong batang babae na si Lea Sarosa matapos tuluyang makalaya ang mga walang-pusong gumahasa at pumatay sa kanya. Isang taong pinaglaban ng kanyang pamilya ang kanyang kaso ngunit tila walang natamong katarungan. Sinubaybayan din ito ng sambayanan dahil ang isa sa mga gumahasa sa bata ay ang kilalang aktor na si Benjie Arevalo. Nandito ako sa inyong harapan para ipaalam sa publiko na hinding-hindi matatahimik ang kaluluwa ni Lea hangga't hindi nabubulok sa kulungan at impyerno ang mga demonyong gumahasa sa kanya. Benjie Arevalo. Raul Cortes. Nestor Sebil. Polo Santiago. Hindi kami titigil. Hindi kami mananahimik. Hindi kami mapapagod. Para kay Lea," sambit ko sa harap ng camera.

Hindi nagtagal at naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone kaya naman sinagot ko ito, "Hello?"

"Kelan ka pa naging patron, ha?! Can't you just fucking drop this story?! Bakit mo sinabi un on live tv?!" sigaw ng boss ko.

"It's the right thing to do! Nakalaya ung mga gagong un sa mga krimeng ginawa nila! Malakas ang mga ebidensya na nakuha against them and now they're probably planning their party! Mag-isip ka nga! Sinuhulan nila ung mga judges to side with them and how can you explain ung biglang pagback out ng mga witnesses?!" Nilapitan ko ang kasama kong cameraman na nakahanap ng masisilungan sa malakas na ulan.

"So what, dinamay mo pa itong kumpanyang nagpapasahod sayo?! You know that we haven't recovered from the fiasco that happened years ago and here you are, making another fuss to problem about. Ikaw ang hindi nag-iisip. You're fired, Emily."

"Wha-" binabaan niya agad ako ng telepono. "Bwisit! Binabaan ba naman ako ng telepono!"

Inalok ako ng kasama kong cameraman ng kape at tinaggap ko naman ito. "Kailangan mo nang maghanap ng bagong kasama, Pete. I just got fired."

AwareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon