kiss pt. 2

163 4 1
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

" hindi tayo pwedeeee! Pinag tagpo pero di tinadhana... Hindi na posible ang mga puso'y huwag natin pahirapan "- rinig kong sinasabayan nyang kanta

Akala ko ba tulog to?

Knock! knock!

Kumatok ako sa pinto

" Sino yan? " Tanong nya

Hindi ako nag salita... Hinayaan ko lang sya at kumatok uli ako

" Ano ba sino ba kasi yan ma!?" Tanong nya

Hindi ako sumagot at kumatok ako...

Narinig ko syang nag dadabog na papalapit ng pinto nya

" Pag ikaw si jungkook yari ka sakin! " Inis na sabi nya pero di pa rin ako sumasagot

Jungkook nanaman... Tsk!

Ng buksan nya yung pinto nya ay nakita ko syang naka kunot noo ... Pero ng makilala ako ay agad na lumaki ang mata nya

" Hala " bulong nya

Ngumiti ako pero...

Agad nyang tinakpan ang mata ko ...para hindi sya makhita ....

Naka tingin lang ako sa kamay nya ngyon na naka harang sa mukha ko

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong nya

" Bat mo kailangan takpan mukha ko? " Tanong ko

"Kingina naman kasi eh " mahinang bulong nya pero rinig ko

Nanatili akong naka tayo .." bat naman kingina " tanong ko ..at ngumisi ako

KIM DAHYUN'S POV

'kingina naman kasi eh" mahinang bulong ko,

Nahihiya kasi ako, nasa harap ko si taehyung at kakagising ko lang nahihiya ako sa itsura ko

Pout*

" Bat naman kingina? * Rinig kong tanong nya

Narinig pa nya yun?!

'Lakasan mo loob mo dahyun, diba wala kanang gusto sa kanya?!'- sabi ko sa isip ko

'Oo'

" Tsk hoy t-taehyung ano ba kasing ginagawa mo dito! " Inis na sigaw ko sakanya at tinanggal ang pag kakaharang ko sa mukha nya

Ngumisi sya!!!

" Ahh bagong gising ka kaya ayaw mo makita ko yang mukha mo no? " Tanong nya

'oo'- sabi ko sa isip ko

" Che! Ano bang kailangan mo! " Inis na sabi ko nanaman

" Chill galit kana nyan?" Tanong nya at naka ngisi pa rin

'Naiinis ako sa ngisi mo tigilan mo yan! '- sabi ko ulit sa isip ko

" Tss ano nga sabi ang kailagan mo " malumnay na sabi ko ... Kanina pa ako sigaw ng sigaw pagod na ako

" Hahahhaha sabi kasi ni jungkook ay ako na lang daw ang kasama mo sa mall dahil may kailangan syang gawin daw " sabi nya

At agad na kumulo ang dugo ko!!! Sabi nya sa ang kasama ko! Bat si taehyung ngayon ang nandito!

Nanlumo ako...

Tumingin ako ng diretso sa mata ni taehyung, malungkot akong tumingin sakanya at kumunot naman ang noo nya

Vhyun One ShotsWhere stories live. Discover now