CHAPTER 5
-VANN-
"Kuya? Bakit ikaw ang nagluluto? Nasa'n si Myca?" tanong ko kay Kuya nang maabutan ko siyang nasa kusina at nagluluto ng almusal.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tipid na pagngiti niya.
"Napuyat siya sa pagmu-movie marathon namin kagabi kaya hindi ko na muna ginising," sagot niya habang inilalapag ang sinangag sa mesa.
"Hmm..." tanging nasabi ko bago kumuha ng kanin at ulam.
"Hmm what?"
Matamang tiningnan ko muna siya bago sumagot.
"Are you serious about Myca?"
Napakunot ang noo niya.
"Of course, I am serious. What do you take me for, Vann?"
Nagkibit-balikat ako.
"I'm just making sure. You know, part of my job as your mediator," sabi ko at nginisihan siya.
Napailing siya sa sinabi ko.
"I can't believe you two went to Sugar and asked for flirting tips. Hinawaan mo pa sa kalokohan mo si Myca."
Nilunok ko muna yung kinakain ko bago muling magsalita.
"Effective naman, 'di ba? Just be thankful you have an awesome brother. Besides, sawa na akong maglinis ng suka at kalat mo, Kuya. Gotta do drastic steps to take myself out of your misery," sagot ko na ikinatawa niya.
"Now that I think about it, I really do owe you a lot, huh?"
"Yes, brother. Di naman sa naniningil pero pwede mong dagdagan yung allowance ko. Ang daming gastos ngayon sa school gawa ng mga plates na gagawin ko."
Mayamaya pa ay inilapag niya sa mesa ang black card niya.
My brother's hella rich on his own.
"You serious?" malawak ang ngiting sabi ko. I could buy the game I have been wanting to buy!
Reward man lang sa pagiging ulirang kapatid ko.
"Yes. I'll let you use that for one week..." aniya ngunit tila may gusto pa siyang sabihin.
"What's the catch?" tanong ko.
"Do you have anything to do on Sunday?" he asked, scratching his nape.
"Wala naman. Bakit?"
"Could you take Myca out for the whole day? I-I'm planning to surprise her and formally ask her to be my girlfriend."
Nabitin sa ere ang kutsarang hawak ko sa sinabing iyon ni Kuya.
"R-Really?"
Sunday? Teka...
"Hindi ba't birthday mo sa Sunday?"
Tumango lang siya. "I don't want anything else for a gift. Just her."
I don't know why my throat suddenly felt dry.
Tumikhim ako at tinawanan siya.
"I see... You want some –"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang may malakas na nanghampas sa likod ko kaya naman nabulunan ako.
"Baby bro! Good morning!" hyper na bati niya bago nilapitan si Kuya.
"Maganda pa ako sa umaga, Vince. Pasensiya na napahaba yung tulog ko. Hihi," aniya sa mahinhin na boses na ikinasamid ko.
What the hell, Myca.
YOU ARE READING
Perfect Couple 3: The Kid and I
RomanceHe was lost when he found her... And his life has never been the same.