CHAPTER 3
-VANN-
"So, bakit ka narito, Vann? Wala ka bang pasok ngayon?" tanong sa akin ni Myca habang tinutulungan ko siya sa paglalaba.
Oo. Mas pinili kong tulungan siyang maglaba kaysa pumasok sa school. Pa'no naman kasi ako yung naiinip sa kanilang dalawa ni Kuya.
Walang progress. Si Myca laging palpak, si Kuya naman in denial. I couldn't help but take action. Tutal wala naman kaming exams ngayon and I can study at home, so I'm not worried about missing anything.
"Hmm... let's just say na mas importante pa sa school itong project ko ngayon dito," sabi ko na lang.
Myca was as dense as a rock. She would not catch on.
"Baliw ka. Bakit ganito kasi yung project mo? Bakit kailangang iwasan ko si Vince? Di ba lalayo lalo yung loob niya sa akin nito?"
"Basta huwag ka nang magtanong at sundin mo na lang ako. Just trust me on this, okay?"
Sinabihan ko kasi siyang ibahin ang paraan niya ng pagpapaibig kay Kuya. Sa halip na magpapansin siya na humahantong lang sa kapalpakan, I suggested na gawin niya yung kabaligtaran – ang maging distant at cold.
Nag-aalangan man siya sa suhestiyon ko, sinunod ko pa rin naman niya ako.
At mukhang tumatalab nga ang plano ko. Kuya looks confused each time Myca talks to him in an indifferent way.
Halos hindi niya kasi ito makausap pero kapag ako yung kumakausap kay Myca, bumabalik ang kadaldalan nito.
Ilang beses na akong muntik matawa sa mga reaksyon nila. Kuya looked pissed while Myca was becoming more like a trying hard actress.
Napatingin ako kay Myca nang marinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Ang lalim naman no'n," sabi ko at pagkatapos ay nilagyan ko siya ng bula sa ilong para matigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano.
"Kasi naman. Ayaw ko talagang iwasan si Vince. Baka bumalik na naman ako sa Level 1 nito," worried na sabi niya bago tumayo at inapak-apakan yung bedsheets na nilalabhan namin.
Ginaya ko siya sa ginagawa niya dahil tig-isang batya naman ang gamit namin.
"Kailan ba kita ipinahamak, ha? Ikaw lang naman yung nagpapahamak sa sarili mo, Myca," kapagkuwa'y sabi ko para mapagaan ang loob niya.
Nagsalubong ang kilay niya at napanguso.
"Hmp! Eh 'di ikaw na yung magaling. Pero hanggang kailan ko ba kasi iiwasan si Vince?" nakanguso pa ring sabi niya.
Napatingin ako sa nakangusong bibig niya. Saka ko naalalang hindi ko pa pala naibibigay sakanya yung lipstick na binili ko para sakanya.
"Hmm... Mga isang buwan," sagot ko.
"Eh?? Ayaw ko nga! Isang araw pa nga lang ang hirap na, eh," nagmamaktol na sabi niya habang kagat-kagat ang labi.
Why could I not take my eyes off her damn lips?!
I cleared my throat and forced myself to look away before I do something I will regret.
Yumuko ako at ang mga paa ko na lang ang tiningnan ko kahit na mas kaaya-ayang pagmasdan yung mukha niya.
"Ewan ko ba sa inyong mga tao kayo. Bakit lahat na lang ng mga kakilala kong nai-inlove, kumukorni at nagiging marupok? Cringe!" sa halip ay sagot ko.
Napaigtad ako nang humawak siya sa braso ko para kumuha ng suporta habang umaayos ng tayo.
The sudden touch made me shiver and I don't have any fucking idea why.
YOU ARE READING
Perfect Couple 3: The Kid and I
RomanceHe was lost when he found her... And his life has never been the same.