Scam_08

76 17 2
                                    

Scam_08

Two weeks have passed at pansin ng lahat ang pagmumukmok ko. Nakatulala at minsan at nakatunganga lang kung saan. Papa asked how does my life going and received a, "Not that good, pa," reply from me.

After eating that night, I blocked Dwight. I already signed off as a writer and received many questions. But I prevented myself from answering that.

Hindi naman sila nangulit na sabihin ko ang dahilan sa aking pagiging matamlay and I appreciated that. Even my family, especially Jamie. Everything takes time, right? I think it is.

We're currently in the dining room right now with many dishes prepared. Nagtaka ako sa inaasta ng lahat lalo na ni Jamie at kuya Chandler. "What's with the food?"

"Nothing special, ate." I cringed at what Jamie said. Nung eleven years old ako e mali-mali pa ako mag-english, kainggit a.

I nodded at them and rush towards the nearest seat. Magsisimula na sana akong kumain nang pinagsabihan ako ni mama na hintayin muna ang iba. Napakunot naman ang aking noo sa sinabi n'ya. "Ha? Nandito na po tayong lahat a?" I mentally rolled my eyes when all of them just laughed at me.

Anong meron?

My questions were interrupted by a phone ringing on the study table.

Kay kuya.

Tinignan namin s'yang lahat at sinenyasan na sagutin 'yon. He just shook his head and stand up. "Samahan mo muna ako sa labas, bunso."

Dali-daling tumayo si Jamie at pumwesto sa likod ni kuya. Hinayaan ko naman ito at naghintay nalang para sa mga bisitang sinasabi ni mama. 'Baka naman bwisita, ma?' joke.

"Hindi ikaw, Amie. Si Czarah." Napataas ang kilay ko sa narinig at nilingon ang dalawa. Mahiya-hiya namang natawa at bumalik sa pwesto si Jamie at pinatayo ako.

Itong batang ito talaga, may pagka-engot minsan.

Wala akong ibang nagawa kundi sumunod na lamang. Lumabas si kuya kaya agad ko s'yang sinundan hanggang sa makarating sa terrace, malayo sa hapagkainan. Inabot nito sa 'kin ang phone n'ya kaya kumunot ang aking noo.

"May sarili akong phone, kuya," naguguluhang wika ko na nagpatawa sa kan'ya.

S'ya na mismo ang kumuha sa kamay ko at ipinatong doon ang telepono.

Sakto namang may rumehistrong unknown number sa screen nito na naging dahilan para ibalik ko iyon kay kuya. Umiling naman ito at sumagot, "Sagutin mo, bunso."

Kahit naguguluhan ay agad ko nalang itong sinunod. Naramdaman ko naman ang papalayong yabag ni kuya na may pahabol pang,

"Thank me later!"

•~•

Vios

Lockdown: Love Scam [COMPLETED]Where stories live. Discover now