one-sided

27 4 3
                                    

Nandito kaming magkakaibigan sa isang resto-bar. Nagyaya si EJ para i-celebrate daw ang pag graduate namin sa college. Finally, after how many years natapos din ang stress from profs, terror profs, and thesis.

"Oh, kamusta naman ang ating mga customers? Masaya ba kayo sa pinapatugtog ng aming banda? Pero... bad news eh. Medyo paos na kami, and I think it's time to give opportunity to others. Right guys?! So, for this segment... Sinong gusto umakyat dito at i-share ang kanilang hidden talent? Whoever you are, the mic is all yours!" masiglang tugon ng lead vocalist ng naggi-gig dito ngayon.

Sumim-sim ako ng vodka. May ibang mga customers na nag-uusap, iba sakanila nag dadalawang isip kung kukunin ang offer ng lead vocalist. Well, wala na ako doon. I just need to mind my own business, get my mind off, and loosen up kahit nandito si Matt.

Matt. Matthew Arevalo. Tama nga naman sila na nakakasira ng friendship kung aamin kang may gusto ka sa kaibigan mo, swerte ka nalang kung parehas kayo ng nararamdaman. You probably saved a country in your past life. Si Matt ay isang maalagang kaibigan. Always there, 24/7. Dinaig pa niya ang 7/11. Instant shoulder to cry on, nagiging pari kung makapag homily. At parang reminder application sa cellphone mo, dinaig pa ng nanay mo kung mag remind kasi. Nakilala ko si Matt through a group project. Hindi ako social butterfly, I only did whatever was assigned to me. Magbabahagi naman ako ng ideas when needed and asked. There was one time na kailangan kong mag stay sa university overtime, kailangan kong tapusin 'yung portion ko sa theses. Umuulan kasi noon, and ofcourse, as expected sa katangahan ko, naiwan ko ang payong sa dorm. Long story short, sinamahan niya ako hanggang sa matapos ko yung thesis at pinahiraman ng payong. Ang bait, diba?

"Girl! Kanina ka pa nakatulala diyan! Nandito ka nga, pero yung utak mo wala. Inom pa, oh!" wika ni Chelsea.

Si Chelsea at EJ ang nakakaalam ng feelings ko kay Matt. Among our circle of friends, sila ang nakakaalam ng pagkatao ko. Including my deepest, darkest secrets.

"Hayaan mo na siya, Chels. Iniisip lang niya si Mr. M&M's!" singit ni EJ habang nakatingin sa gawi ni Matt na nakikipagkwentuhan sa iba pa naming kaibigan.

"Ano ba, EJ. Nananahimik ako dito. Mag pakalasing ka nalang diyan. Kami bahala sa'yo." sabi ko habang nakahalukipkip.

Tumunog ang bass guitar at drums ng banda, sign na naghahanda na sila for the next performance. Naagaw ang atensyon ni EJ at biglang tumayo.

"Ah! Naghahanap sila ng volunteer para kumanta! Excuse me, bro! Heto, oh! Kakanta daw!" sigaw ni EJ sa vocalist sabay turo sa'kin. Nataranta naman ako ng wala sa oras.

"And there we have it, everyone! We have a singer for tonight! Hello, Miss Beautiful. Anong pangalan mo and what song are you going to sing for us tonight?" tanong niya habang papalapit na ako sa stage. Bwisit! Hinila kasi ako ni Chelsea bago pa ako makareklamo. Nakaakyat na ko ng stage nang ibigay sa akin ang microphone.

"Uhh, I'm Klaree... Pasensya na... I'm not a singer myself..." utal ko.

"It's ok! We all get those sometimes. So, Klaree.. Anong ganap at nandito ka ngayon? Heartbroken? Bored? o nag sesenti?" tanong niya pa ulit habang nakangiti.

Nagpalinga-linga ako. Nakatingin silang lahat sa'kin. Nakakapressure! Napatingin ako sa table namin at kay Matt. Nag thumbs-up siya at ngumiti. Mouthing the words, "go klaree!" Ok, Klaree. Kaya mo 'to! Kahit one-sided lang 'to!

"Actually... kakagraduate lang namin from college. We're here to celebrate. So, it's a happy event for us." ngiti ko.

"Nice! Anong song ang kakantahin mo, and who are you dedicating it to?"

Napangiwi ako, never pa'ko nakakanta infront of an audience. Pero, we're here to have fun diba? So di ako magiging kill-joy.

"Uhh.. Kathang Isip... by Ben&Ben... Para 'to sa mga katulad ko, na nasa stage of realization. kahit in denial, kahit nahihirapan, kahit... duwag. Eventually, magigising na sa katotohanan." bugtong hininga ko.

"Okay, guys! You heard her! Everyone, let's give it up for Klaree!" sabay ng pag alis niya sa entablado ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Dumilim muli ang paligid, tanging spotlight lang ang nakabukas at nakatututok sa'kin. Nagsimula na mag patugtog ang banda.

Kumanta ako. Kahit ako'y napilitan, kumanta ako na para bang nagbubuhos ako ng matagal nang naipon na damdamin. Na para bang, sa bawat pagbitaw ko ng salita ay unti-unti akong gumagaan.

"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito" ... Pasensya na, Matt.

Pinikit ko ang aking mga mata, habang dinadama ang bawat salitang binibitawan ko.

"Ako'y gigising na sa panaginip kong ito"... Gigising na'ko, Matt. Hindi na'ko aasa. Titigilan ko nang lokohin ang sarili ko. Kahit ako lang ang masaya, kinikilig, at nakakaalam ng panaginip na'to.

"At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo"... I'm sorry, Matt. I can't risk losing our friendship. Dahil alam kong di ako makakapag-pigil, kaya ako na ang mag aadjust. Ako na ang lalayo.

Minulat ko ang aking mata at tinignan siya. Wala siyang alam, 'di niya alam na gusto ko siya. Siguro, sakan'ya, ang pagtitig ko sakanya ay dahil di ako makapag eye-contact sa iba. Di niya alam na habang kinakanta ko ito, ay nagsasabi ako ng nararamdaman ko para sakan'ya.

"Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana"... Alam kong di mababago ang kapalaran ko.

"Minsan siya'y para sa iyo, pero minsan siya'y paasa"... Kahit may possibilidad, Kahit wala, tadhana lang ang nakakaalam.

"Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat"... Kahit mahirap, para sa friendship na'tin, kakayanin ko.

Hindi ko na kaya. Tumutulo na ang luha ko at 'di na ko makakanta. Naninikip ang dibdib ko. Nabitawan ko ang mic na nagpalabas ng nakakabinging tunog. Tumigil ang pagtugtog ng banda.


At tuluyan na kong tumakbo palabas ng resto-bar.



inspired short storiesWhere stories live. Discover now