D is for Dreams, Déjà vu, and Devastation

28 3 3
                                    

Nagising ako dahil sa init ng aking kwarto. 'Yun lang naman ang tanging alarm clock ko ngayong bakasyon. Natulala ako ng ilang saglit, sinusubukang tandaan ang panaginip ko kanina.

"Iba nanaman? Pang-apat na'to, ah." tugon ko sa aking sarili. Sa katunayan, wala akong maalala sa panaginip ko. Parang hindi nga ako nanaginip ngayon, eh.

Sa totoo lang, hindi naman ako madalas managinip. Kung meron man, ay nakakalimutan ko kaagad. Lagi akong nagpupuyat, kaya parang nakapikit lang ang aking mga mata at pagmulat ko, umaga na pala. Pero dahil naging abala ako ngayon kahit bakasyon, mabilis akong nakakatulog sa sandaling humiga ako sa kama ko dala ng pagod. Nitong mga nakaraang araw, lagi na akong nananaginip at natatandaan ko pa kahit pagkagising ko.

The dreams were different, but the content was still the same. Paano ko ba ito sasabihin? Nanaginip ako na may boyfriend ako. Yes, I'm single. Baka it's a sign na kailangan ko nang magkaroon ng jowa?!

Dahil pang-apat na gabi na ito, iba'yung lalakeng napanaginipan ko. Oh, hindi ako playgirl, ha! No Boyfriend Since Birth ako!

Si Boy #1. Siya ang simula ng panaginip ko. Nakilala ko raw si Boy #1 sa isang university na pinag-examan ko. I was just a fresh Senior High School graduate, and as time was nearing, I eventually need to try out a university to start college. Naka-upo na kaming lahat sa hiwa-hiwalay na desks. 'Yung iba sa'min ay kinakabahan, 'yung iba chill lang, at yung iba... nakatulala lang. From what I remember, Boy #1 sat on the same row as mine. So if you look sideways, kita ng peripheral vision mo. I felt something off, kaya tumingin ako sa right side ko. He was staring at me with a smile. Nginitian ko nalang din siya, I didn't wanna appear as rude to him. Nagbigayan na ng test sheets and tests booklets. Siyempre, nagstart na ang lahat nang nagsabi ng go ang proctor. Fast forward, dinismiss na kaming lahat and I went out following the other examinees. Pero bago pa ako makarating sa pintuan ay may biglang kumalabit sa'kin.

"Hi!" he greeted me with his smile again. Kung easy to get lang ako, baka jinowa ko na'to agad dahil sa ngiti niya. We talked and got to know each other more. Next thing I know, naging kami and woke up from the dream. I didn't really think much about it at first. Maybe it was just another dream na walang meaning. But then, Boy #2 came.


Sa pangalawang gabi ay isang panibagong lalaki nanaman. I liked commuting, though may times na nakakahassle, I still like doing it. There's this feeling I get na pwede ako mag-isa kahit may ibang tao akong nakakasabay. We're all strangers, kaya we get to mind our own business. Sa naaalala ko, dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa balikat ng katabi ko sa MRT kahit nakatayo. Nagulat ako at humingi ng tawad habang nakatingin sa baba, masyadong antok para makipag-eye contact pa. Tanging kulay ng ID lace niya lang ang nakita ko. Napaisip ako na katapat lang pala siya ng university namin. Buti nalang, studyante siya. Nakakahiya naman kung sobrang tanda na. Isang malakas na ulan ang bumuhos noon hapon, saktong madami pa akong bitbit dahil namili pa ako ng kaunting groceries. Medyo mahirap makita ang dinadaan ko, kung kaya't nadulas ako sa sahig, hindi malayo sa hagdan. Nabutas ang paperbag at nabasa ang pantalon ko. Agad namang bumaba ang isang lalaki at tinulungan ako.

"Miss! Okay ka lang ba? Saglit, huwag ka munang gumalaw." wika niya at nilikom ang gamit na nakawala sa butas ng paperbag. Pagkatapos noon ay inalalayan niya ako upang makatayo.

"Naku, miss. Basa ang pantalon mo. Wear this around your waist, para di halata at di ka lamigin." sabi niya habang tinatanggal ang jacket. Ipinulupot ko iyon sa aking bewang.

"Thank you po, kuya. Kahit hindi na po.." sambit ko habang inaayos ang sarili. Hindi siya umimik at nakatayo lang. Napatingin ako sakan'ya.

"Oh! It's you! Ikaw yung nakatulog sa balikat ko! Aye... to the rescue nanaman ako!" gulat niyang banggit sa'kin. Tinignan ko ang ID lace niya, at tama. Siya nga. Sa madaling salita, pareho kami ng lugar na inuuwian dahilan ng pagsakay at pagbaba namin sa parehong istasyon. 'Di nagtagal ay naging kami, at nagising nanaman ako.

inspired short storiesWhere stories live. Discover now