MAFY.01

132 6 0
                                    

Kagigising ko pa lang ngayon. Dali-dali ko agad na hinanap ang aking cellphone sa may side table ng aking kama. Sabay suot ng glasses ko.
Bumababa na ako agad para kumain ng breakfast.

"Anong oras na Hanie?" nakapamewang na sita sa akin ni Nanay.

Tumingin naman ako sa cellphone ko.
Sabay tugon ng " Ten na po ng umaga nanay."

"Panay puyat ka naman huh?"

"Nay, hindi po kasi ako makatulog ng umaga."

Nagkibit balikat siya." Kaya pala madaling araw ka natutulog."

"Hihihi...ganon na nga po."

"Alam mo bang mahal magpasukat at bumili ulit ng salamin?"nakataas ang isang kilay niyang sambit sa akin.

"Opo mahal po talaga."kinakabahan kong tugon.

"Alam mo gagawin mo!"

"Opo Nay...Aagahan ko na po ang pagtulog."

"Sa gabi ang aagahan ang tulog. Hindi yung mag-uumaga na!?"

Nakatungo nalang ako tumango bilang tugon kay Nanay.

Tapos na ako sa aking kinakain at naligpit ko na rin ito. Umakyat na ako sa taas pagkatapos kong maglampaso ng baba.

"Ano kayang magandang panoodin?"

Magtatype na ako sa search bar ng youtube ng lumitaw ang message ni Nica.
 
             Lᴏʏᴀʟ Aɴɪsᴄʜᴀ Lʟᴀɴᴇs

Nɪᴄᴀ: Ne may maganda akong ire-recommend sayong drama.

Hᴀɴɪᴇ: Ano yon?

Nɪᴄᴀ:  Thai drama to pero ang ganda!!! Ang intense!!!

Hᴀɴɪᴇ: Ano title bili!!!

Nɪᴄᴀ: kulitin mo muna ko.

Hᴀɴɪᴇ: pa-suspense pa to. bili na

Nɪᴄᴀ:  The Gifted. Sa youtube meron non hanapin mo nalang yung Gmmtv

Hᴀɴɪᴇ: sige try ko yan kapag binuksan na yung wifi.

Nɪᴄᴀ: Promise maganda yan! Walang agawan ahh akin si P'Wave.

Hᴀɴɪᴇ: hahhaaahah. oo na. Iyong iyo na siya.

Nɪᴄᴀ:  BABALA AKIN SI WAVE!!!!

Hᴀɴɪᴇ: Oo na😂😂😂

Dahil inatake ako ng curiosity ko kaya agad ko ng binuksan ang wifi.

"Nay buksan ko na po yung wifi. May gagawin lang po ako."

"Sige. Basta wag umaga na matutulog.
Dahil kapag nahuli pa kita papaputol ko itong wifi natin." may pagbabantang sabi niya sakin.

"Okay po Nay." nakapromise sign kong tugon.

Umakyat na ako kaagad sa kwarto ko.

"Matingnan nga trailer ng sinasabi ni Nica."

Matapos kong mapanood ang trailer ay ganito nalang ang aking naging mga reaksyon.

"Totoo nga ang intense. Ang ganda. Yung story bet ko to!  Ang cute ng mga bida. Ma-download nga hahaaha."

Habang nahihintay ko ang downloads ay nagscroll muna ko sa Instagram at Facebook.

"I-search ko nga sila. San kaya? Sa Instagram?"

Napabuntong hininga ako. "Bakit wala? Kainis naman?"

Naisipan kong i-chat ko si Nica.

            Hᴏᴘᴇʟᴇss Nɪᴄᴀ Lʟᴀɴᴇs

Hᴀɴɪᴇ: Nica alam mo mga name nila. Like username sa Instagram?

Nɪᴄᴀ: Di ko pa nahahanap eh.

Hᴀɴɪᴇ:  Okay. Try ko nalang hanapin ulit.

Nɪᴄᴀ: Good luck! Fighting!

Sinusubakan kong magbasa ng mga comment sa page at group. Nang may biglang nagcomment.

"Chimonac pala yung nakaglasses ah!"
masaya kong sabi.

"Mastalk na to hahahhaha!"

Agad-agad kong pinundot yung "follow". Sabay scroll at screenshot ng mga cute pics niya.

Nagpahinga muna ko sa pagscroll.

"Sa wakas download ka na lahat. Masimulan na to!"

Isinuot ko na ang aking headset, binksan ang electric fan at uminom ng tubig. Ayan all set na lahat.

Makalipas ang isang oras.

"Tama nga ang intense first episode palang!"

Napatingin ako sa orasan ng umalingawngaw ang boses ni Nanay.

"Hani, bumababa kana kakain na!"

"Pababa na po." Pinatay ko muna ang electric fan bago bumababa.

----------------------------------------------------

I hope you like it guys.😉
Nagawa ko lang ito dahil sa di pa kami move on ng friend ko sa The Gifted.

#whilewaitingforTGG



Miles Away From You [COMPLETED]Where stories live. Discover now